Sunday , December 22 2024
congress kamara

2 Surigaonon solons nagmurahan at nagduruan sa Kamara (Con-Ass o Con-con?)

NAUDLOT ang pagdinig ng  House Committee on Constitutional Amendments para sa charter change nang magkapikonan at muntik magsuntukan sina Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr.

Sa ginanap na pagdinig, ipinanukala ni Cebu Rep. Gwendolyn Garcia na gawing constituent assembly ang Kongreso na inayawan ng ilang mambabatas kabilang na si Pichay.

Imbes bumoto, isinuhestiyon ni Pichay na maghain muna ng resolusyon para imbitahin ang mga senador sa ginagawang deliberasyon sa Kamara bago magdesisyon kung anong pamamaraan ang gagamitin sa pag-amiyenda ng konstitusyon.

Punto ni Pichay, dapat magdesisyon ang Kongreso bilang isang kinatawan mula sa dalawang kapulungan, pero bigla siya binara ni Barbers sa pagsasabing “stupid and senseless” ang kanyang suhestiyon.

Inihinto pansamantala ng komite ang pagdinig at dito tumayo si Barbers sa kanyang upuan at nilapitan si Pichay na nasa kabilang panig ng silid.

Paglapit ni Barbers, nagmurahan ang dalawa hanggang duruin si Pichay.

Tinabig ni Pichay ang kamay ni Barbers sabay tayo at akmang susugod.

Dito pumagitna si Pangasinan Rep. Marlyn Primicias Agabas kasama ang iba pang mambabatas para awatin ang dalawa hanggang nailayo si Barbers na diretsong lumabas habang umupo si Pichay.

Kaugnay nito, agad humingi nang paumanhin si Barbers sa taongbayan.

“Sorry sa taongbayan. Wala namang physical na nangyari, kung may nasagasaan ako, humihingi ako ng tawad but my apology is not for him (Pichay). Mali ko roon ay nagsalita ako nang masama na dala rin nang pagsasalita niya,” ani Barbers.

( JETHRO SINOCRUZ )

About Jethro Sinocruz

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *