HARD TALK
ni Pilar Mateo
INTERNET culture. Deep rooted folklore.
Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang screenwriter. Maaalala sila sa box-office teen horror na Pagpag: Siyam na Buhay at marami.pa.
Nagsanib-puwersa ang GMA Pictures (Annette Gozon) at Mentorque Productions, Inc. (Bryan Dy) sa pinaghalong supernatural terror, viral culture, at emotional storytelling sa Huwag Kang Titingin.
Oo! May isinilang na entity dito. Ang umaaligid. Na sumusubaybay sa mga nagiging biktima nito sa kanilang panaginip hanggang sa mging isang bangungot.
Sa Abril 15, 2026 na ito mananakot.
Sisimulan sa isang makalumang paraan ng pakikipagniig sa mga sumakabilang-buhay na. At hahantong sa makabagong ikot ng mundo lalo ng mga kabataan sa online. Na magiging viral video challenge.
At magku-krus sa landas nila ang umaaligid. An entity that feeds on the soul of the living. Sabe. ‘Yun ang drama niya.
Sino-sino ang makakasalamuha?
Pangungunahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Kasama sina Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino at may espesyal na papel si Shuvee Entrata. At susuporta rin sina Lui Manansala, Sherilyn Reyes, Alchris Galura, Michael Flores, Bernadette Allyson, David Domanais, at Christian Kimp Atip.
Kaaaliwan ang pagganap ng bagong henerasyon ng kabataan sa horror film na ito.
Mga tunay na matatakutin. May hindi naniniwala sa pamahiin. At sa kabuuan halos lahat ay may hindi na titingnan sa pinagdaanan.
Ang aabangan ay ang tambalang Sofia at Allen.
What does the future hold for them in the career they embraced?
Nasa New Zealand si Direk Frasco nang ganapin ang mediacon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com