Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

18-anyos tulak na bebot, kasabwat huli nasakote

ARESTADO ang dalawang drug suspects kabilang ang 18-anyos dalagang itinuturing bilang high value individual (HVI) at 20-anyos na kasabwat sa isinagawang buybust operation na nakuhaan ng aabot sa P435,000 halaga ng shabu, Sabado ng umaga sa Caloocan City.

Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, positibo ang natanggap na impormasyon ng kanyang mga tauhan hinggil sa sinabing illegal drug trade ng suspek na si alyas Lyn.

Agad na ipinag-utos ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, na isagawa  ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buybust operation laban kay alyas Lyn, sa koordinasyon sa PDEA.

Hindi nakapalag ang suspek nang posasan ng mga operatiba ng SDEU, kasama ang kasabwat nitong 20-anyos lalaki makaraang bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay 188.

Nakompiska sa mga suspek ang tinatayang 64 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P435,000, buybust money, at cash na pinaniniwalaang kinita sa droga.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor Office sa pamamagitan ng Inquest proceedings. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

yosi Shabu

2 durugistang bebot, 5 pang adik tiklo sa pot session

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den na …

Bocaue Bulacan Police PNP

Sa P3.2-M robbery sa Bocaue
Miyembro ng ‘Rizal group’ timbog

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Bocaue MPS at Bulacan PPO Provincial Intelligence Unit, nitong …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …