Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marius Ashton

Arnel Pineda inspirasyon ng negosyanteng singer

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PANAY ang sing-along niya sa Music Box. Noong nakaraang taon, maraming beses ‘yun.

Ang alam namin isa siyang negosyanteng mahilig sa musika. Kaya madalas na bitbit ang tropang mga empleado niya. 

Iwinangki ko pa nga siya kay Willie Revillame. Dahil may mga hirit din ng comedy kapag nakakatsika na siya onstage ng mga host.

Marious Alston

Hanggang bigla na lang namulatawan naming may ipino-promote na siyang mga kanta sa iba’t ibang music platforms. Not just one. Dalawa. At ang gumawa, hindi basta-basta.

Doc Mon del Rosario. Na gumawa sa Isang Linggo’ng Pag-ibigz At Sino ang Baliw.

At nagdaos ng paglulunsad sa Noctos Bar na isinabay sa kaarawan niya.

Ang Munting Kaibigan, ayon sa gumawa ng kanta ay ibinase sa buhay ni Marious. Sa mga pagsubok na dinaanan nito. Para lang matupad ang pangarap sa musika. 

Lumalabas-labas na pala siya sa Kapamilya dati pa. Pero ‘di naman nga palaging may show. Muntik mawalan ng loob na dumaan sa pagsadsad.

Pero may darating na pagkakataong magpapa-bangon at bago ng buhay. Niyaya siya na subukan ang real estate. Akalain mong  umabot sa milyon hanggang bilyon ang sales niya. May Midas touch daw ito.

Gayunman, nakatapak sa lupa si Marius. Sa pagiging matulungin din nabaling ang paglaki ng pangalan niya. Sa mundo ng sales.

At ang pangarap sa musika, sa pagkanta eh, eto na nga. 

May isa pang kanta si Doc Mon, ang Gwapo.

Upbeat. Danceable. May recall. At nakita namin agad ang reaksiyon ng mga dumating sa Noctos.

Sabi ko nga, sa genre niyang country-pop, nakahanap ng pwesto niya si Marius.

Maniwala ka. With the looks and the voice and the right attitude ay, aalagwa ito agad-agad!

‘Yung kantang Munting Kaibigan  mukhang may pupuntahang malayo-layo. Parang nakikini-kinita na namin, papunta ito sa isang matinding laban. Kung serbisyo ang pag-uusapan.

Too early pa. Hinuha pa lang. Na baka may isang daan itong patutunguhan sa kinabukasan.

Pero sa ngayon, very much eager si Marius na mapakinggan ang kanyang mga awit.

Nagpalakas ng loob nito ang idolo niyang si Arnel Pineda. Na siyang naging inspirasyon niya para tuntungan ang entablado at kumanta na.

Iba ang angas nito. Charming. Loveable. 

He’s got the looks. The voice. The attitude. 

Mukhang masarap maging munting kaibigan ‘yung gwapo na ‘yun!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …