HARD TALK
ni Pilar Mateo
ISANG batang paslit (siyam na taong gulang lang siya) ang nagpa-imbulog sa pangalan ng Purple Hearts Foundation.
Si Kryzl Jorge.
Nagbabahagi ng mga produktong nakatutulong para sa kalusugan ng bata at matanda.
Naghatid ng saya sa Year-End Gift-Giving Outreach para sa mga karatig-barangay nila.
Matagumpay na isinagawa ng Purple Hearts Foundation ang kanilang year-end outreach program, ang Purple Hearts Foundation Gives Back sa Kryzl Farmland, na 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan.
Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya—mga magulang at anak—bilang pagpapakita ng paniniwala ng Foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama ang pamilya. Nagsimula ang programa 10:00 a.m. at nagtapos ng 1:00 p.m., na isinagawa ng maayos at may malasakit sa bawat dumalo.
Ang programa ay pinangunahan nina Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid, na personal na nagplano at lumahok sa gift-giving, mga laro, at salo-salo. Bilang pasasalamat sa patuloy na biyayang natatanggap sa pamamagitan ng Purple Hearts Supplement Products, pinili nilang ibahagi ang tagumpay sa komunidad sa isang personal at taos-pusong paraan.
Bilang bahagi ng outreach, tumanggap ang mga pamilya ng mga grocery package, habang ang mga bata naman ay nabigyan ng mga laruan. Nagkaroon din ng mga laro, raffle, at sabayang tanghalian na nagpatibay ng diwa ng pagkakaisa at pasasalamat.
Kasabay ng programa, inilunsad din ang bagong music video ni Love Kryzl, ang Opo, Thank You Po, isang awiting nagbibigay-diin sa pananampalataya at taos-pusong pasasalamat. Ang mensahe ng awitin ay lubos na tumimo sa puso ng mga dumalo at nagdagdag ng emosyonal na lalim sa okasyon.
Naging posible ang tagumpay ng programa sa tulong ng Purple Hearts Foundation, Purple Hearts Production, at ng mga kawani ng Kryzl Farmland at Kryzl Gamefarm, na nagkaisa para matiyak ang maayos, ligtas, at masayang karanasan ng lahat.
Nagtapos ang programa sa isang panalangin ng pasasalamat, na muling pinagtibay ang layunin ng Purple Hearts Foundation na maging patuloy na daluyan ng pagmamahal, malasakit, at serbisyo sa komunidad.
Ngayong Linggo, ilalabas ang Opo, Thank You Po na latest single ni Love Kryzl kasabay ng official music video nito sa Facebook page at YouTube channel ni Love Kryzl.
Sa kasalukuyan ay available na for streaming ang nasabing kanta sa spotify worldwide.
Looking through the eyes of this 9-year old, alam mong there’s more than meets the eye.
Sa pagtulong na nakatuon ang buhay niya at mga araw eh, dapat na naglalaro lang siya kasama ng mga gaya niyang kabataan.
Oo. Nagagawa pa rin naman niya. With a twist. Kasi, may kasama ng pagtulong ito lalo sa mga nangangailangan.
The pretty baby is “pregnant”. With tons and tons of ideas. Mga titik sa musika na ibinabahagi rin niya. Mga planong ‘di mo inaasahan sa edad niya.
Going places. Subaybayan si Love Kryzl!
And be a part of her world!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com