I-FLEX
ni Jun Nardo
GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica Panganiban pati na rin sa director ng movie na si Jefdrey Jeturian.
Naganap ang premiere ng UnMarry last Saturday sa Trinoma Cinema. Well attended ito ng celebrity friends nina Angelica at Zanjoe Marudo at may narinig kaming lawyers at nakasabay na former judge.
Tungkol sa annulment ng movie at kung paano ito at epekto sa mga taong involved.
Take note, kakaiba ang treatment sa movie. Panalo si Eugene Domingo bilang annulment lawyer nina Angelica at Zanjoe. Magkaiba nga lang ang gustong mangyari ng dalawa.
Ayaw ni Zanjoe sa na ma-annul ang kasal nila na lumabas na wife niyang si Solenn Heussaf. Si Angge, gusto niyang ma-annul ang kasal sa asawa niyang si Tom Rodriguez na ang husay at susuntukin mo sa galit, huh!
Informative ang movie. Pero very entertaining. Nakaiiyak lalo nang mag-testify ang magaling na anak nina Zanjoe at Solenn na si Jack Sibug.
Palakpakan ang lahat after ng premiere.
Nakitang umiiyak si Angelica na first time niyang napanood ang movie. Proud ang husband niyang si Greg Omman sa performance ng asawa.
Naku, you will be missing a lot kapag hindi ninyo inuna sa December 25 ang UnMary dahil magagaling na ang cast, wala pang tapon sa mga eksena, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com