PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad.
“Mas convenient, matipid at na-eenjoy ko po ‘yung puntahan ang mga lugar na sa IG o mga video ko lang nakikita,” pagbabahagi ng guwapong Kapuso aktor.
Talagang pinag-iipunan ni Miguel ang hobby niya dahil nais niyang mas makilala ang sarili at matutunan din ang buhay ng taga-ibang bansa sa pamamagitan ng ‘backpacking trips.’
Kaya naman masayang-masaya ang aktor nang muli siyang kinuha ng FIberBlaze internet and cable company para maging ambassador.
For years ay endorser na nito si Miguel bilang sa Cavite nag-umpisa ang operations. So far, wala silang reklamo sa serbisyo nito kaya’t welcome na welcome na maging ambassador kasama nina Ronnie Alonte, Neil Coleta, Miguel Bustos at iba pang taga-Cavite at Laguna.
“Yes po, FiberBlaze ang gamit namin sa bahay. Sa vlogs namin ni Mama, sa cable, internet. Sana nga mas lumalim pa ang business relations namin,” sey pa ni Miguel na lalong kumisig at nagmukhang lalaking-lalaki sa awra niya.
Bongga ang ongoing promo ngayon ng Fiber Blaze dahil mamimigay sila ng mga papremyo sa kanilang mga subscriber sa naturang lugar.
Bukod sa mabilis na internet at cable connection, mga gadgets, discount at iba, mayroong mga mamahaling brand new cars na ipamimigay ang kompanya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com