Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bato dela Rosa

Sen. Bato no show sa pagbabalik sesyon ng Senado

NO SHOW si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagbabalik ng sesyon sa senado kahapon, 11 Nobyembre 2025.

Ito ay matapos aminin ni Ombudsman Boying Remulla na mayroon nang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa mga empleyado ng Senador, walang pasabi kung bakit hindi siya nakita sa senado sa naturang araw.

Magugunitang nitong Biyernes ay nakita pa si Dela Rosa sa isang relief operation sa Cebu na magkasunod na pininsala ng lindol at bagyo.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hindi niya papayagan ang kahit sinong senador na arestohin sa loob ng gusali ng senado.

Paliwanag ni Sotto, kung si Dela Rosa ay dadamputin sa labas ng senado ito ay hindi na niya mapipigilan pa.

Iginiit ni Sotto, lalo na kung nasa sesyon  ang senado ay hindi maaaring maaresto ang senador.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakakausap ni Sotto si Dela Rosa maging si Senador Panfilo “Ping” Lacson na dating pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Lacson nais niyang makausap si Dela Rosa upang mabigyan ng payo at hindi para magtago.

Paglilinaw ni Lacson, iba ang kaso nila ni Dela Rosa at limitado lamang ang kapangyarihan ng senado na kupkupin siya sa ilalim  ng ating Saligang Batas.

Matatandaang noong si Lacson ay naharap din sa kaso ay hindi nahuli ng mga awtoridad hanggang tuluyan siyang napawalang sala.

Umaasa si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi na ito aabot pa sa pagtatago.

Nais ni Cayetano na mayroon sanang korte ang magsabi kung dapat bang arestohin o hindi si Dela Rosa.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …