PORMAL nang naibalik bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committe si Senador Panfilo “Ping” Lacson pagkatapos magbitiw noong 6 Oktubre 2025 nang magpahayag ang ilang senador na hindi nila nagugustohan ang takbo ng imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control project.
Walang senador ang tumutol sa muling paghalal kay Lacson.
Kabilang sa inimbitahan sa pagdinig si dating House Speaker Martin Romualdez at 17 pang mga mambabatas na pinangalanan ng mga humarap na testigo.
Papayagan ng senado na humarap sa pagdinig sa pamamagitan ng online si dating Congressman Zaldy Co.
Muling tiniyak ni Lacson na ang pagdinig ay sesentro sa mga ebedensiyang iniharap at mga testimonya ng mga testigo.
Siniuguro rin ni Lacson na kailanman ay wala siyang pinapaboran sa imbestigasyon.
Sa darating na Biyernes, 14 Nobyembre 2025 ay muling magpapatuloy ang pagdinig ng Senaso. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com