Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle pasabog bakbakan sa Roja

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PASABOG ang maaaksiyong eksena nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa pakikipagsapalaran nila sa isang malaking eskandalo ng hostage sa pinakabagong action-drama serye ng ABS-CBN naRoja.

Unang mapapanood ang Roja sa Netflix simula Nobyembre 21 (Biyernes) at sa iWant simula Nobyembre 22 (Sabado), at magiging available sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 sa Nobyembre 24 (Lunes) ng 8:45 p.m.. 

Parehong magaling sa martial arts at sa pakikipagbakbakan ang mga karakter nina Donny at Kyle na isang head chef si Liam (Donny), at si Olsen (Kyle) naman ay isang palaban na miyembro ng security team ng resort.

Iikot ang kwento ng Roja sa dating mag-best friend na ngayon ay magkaribal na sina Liam at Olsen. Kasama rin nila sa serye si Maymay Entrata bilang si Luna, ang best friend ni Liam na kabilang din sa culinary staff. 

Malalim ang magiging lamat sa relasyon ng dalawa dahil mapupuno ng hinagpis ang puso ni Liam nang malamang may kabit (Yassi Pressman) ang tatay niya (Raymond Bagatsing) at matagal na pala itong kinukunsinti ni Olsen.

Kasabay ng alitan nina Liam at Olsen, magiging mala-bilangguan naman ang engrandeng island resort na La Playa Roja dahil sa pangho-hostage ng isang kahina-hinalang grupo ng mga armadong indibidwal sa pangunguna ng mga karakter nina Yassi at Joel Torre. Malalagay sa panganib ang buhay ng mga resort staff gayundin ang mga bisita na kinabibilangan ng mga kilalang personalidad at mayayamang tao. 

Dahil sa krisis, mapipilitan sina Liam at Olsen na isantabi ang alitan at magtulungan na pabagsakin ang kalaban. 

Madadamay din sa gulo ang kanilang mga pamilya na malalim na rin ang pinagsamahan – ang mga magulang ni Liam na ginagampanan nina Raymond at Lorna Tolentino, at ang nanay ni Olsen na si Janice De Belen.

Kabilang din sa cast sina Sandy Andolong, Robert Seña, Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Bernard Palanca, Marc Abaya, Gello Marquez, Harvey Bautista, Lou Yanong, Kobie Brown, Benedict Cua, Iñigo Jose, Maika Rivera, AC Bonifacio, Emilio Daez, Xilhouete, Kai Montinola, Rubi Rubi, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Levi Ignacio, Floyd Tena, Rans Rifol, Igi Boy Flores, at Raven Molina.

Mula ito sa direksiyon nina Lawrence Fajardo, Rico Navarro, Andoy Ranay, at Raymund Ocampo.

Huwag palampasin ang simula ng matinding bakbakan sa Roja gabi-gabi, 8:45 p.m. sa Netflix (Nobyembre 21), iWant (Nobyembre 22), at sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live (Nobyembre 24). Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …