Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji

ni Gerry Baldo

NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy III sa taong-bayan na maging handa sa bagyong Uwan na inaasahan, ayon sa forecast, na tatama sa hilaga at gitnang Luzon.

Ayon sa forecast, posibleng mag-landfall ang bagyong Uwan bilang isang Signal No. 5—ang pinakamataas na kategorya ng bagyo.

Maituturing itong “life-threatening” na bagyo na maaaring magdulot ng matinding pinsala, pagkawala ng koryente, at pagkaantala ng mga pangunahing serbisyo.

Dahil dito, nananawagan si Dy sa lahat na maghanda na ngayon pa lamang. Dapat nating isaalang-alang ang “worst case scenario” upang makapaghanda nang mabuti at makagawa ng mga hakbang na makapagliligtas ng buhay. Mas mainam na sobra ang pag-iingat kaysa magsisi kapag huli na.

“Mahalaga ang kooperasyon para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Hinihikayat natin ang lahat, lalo ang mga nasa mabababang lugar at baybaying dagat, na makinig at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad,” ani Dy.

“Kung ipag-utos ang paglikas, agad itong sundin para sa inyong kaligtasan. Ihanda ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng flashlight, tubig, pagkain, at gamot. Patuloy na subaybayan ang mga balita at manatiling alerto sa mga anunsiyo at babala mula sa mga awtoridad,” ayon sa speaker.

Nananawagan ang speaker sa mga pambansang ahensiya, mga lokal na pamahalaan at mga barangay sa buong Northern at Central Luzon—kabilang ang kanyang lalawigan ng Isabela—upang matiyak ang maagap, maayos, at epektibong pagtugon bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.

Hinikayat ni Dy ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na makipag-ugnayan na sa mga kababayan at sa mga lokal na opisyal ng kani-kanilang mga distrito upang matiyak ang maayos na koordinasyon at agarang pagtugon.

“Siguraduhin nating may sapat na impormasyon, suporta, at tulong ang mga nasa pinakamaaapektohang lugar. Kailangang maramdaman ng ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa sa panahong ito ng panganib,” ani Dy.

“Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay kaisa ng buong sambayanan sa pananalangin at paghahanda. Sama-sama nating harapin ang paparating na bagyo nang may tapang, malasakit, at matatag na pananampalataya. Sapagkat walang bagyong kayang pabagsakin ang isang bansang handa, nagkakaisa, at may malasakit sa kapwa,” saad ni Dy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …