PINURI ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang Taguig City Police Station (TCPS) dahil sa sunod-sunod na tagumpay nito sa anti-criminality campaign at matagumpay na mga operasyon ngayong Oktubre na nagresulta sa pagkakaaresto ng high-value targets, pagkakadakip ng NCRPO sa no. 2 most wanted person, at pagsawata ng operasyon laban sa illegal drug activities sa iba’t ibang barangay.
Kinilala ni Cayetano ang liderato ni PCol. Byron F. Allatog pinuno ng Taguig City Police Station at grupo nito sa mabilisang aksiyon, pagtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod.
“These accomplishments show the dedication and professionalism of our police force. I commend the men and women of the Taguig City Police for their courage and tireless effort in upholding peace and order,” ani Cayetano.
Sa buong Oktubre ay nagawa ng Taguig Police na maisakatuparan ang mga sumusunod na operasyon:
– Ang pagkakadakip ng NCRPO sa no. 2 most wanted person na naganap noong 7 Oktubre, ang pag-aresto kay Jomar Salik y Radzak, 21 anyos, may kasong murder na nadakip sa isinagawang operasyon sa Barangay Upper Bicutan;
– Ang pagkakadakip kay Rowel Msendoza, 26 anyos, nakuhaan ng P3.8 milyong halaga ng shabu na inaresto sa buybust operation sa Pembo noong 1 Oktubre;
– Ang nakompiskang 169.3 gramo na nagkakahalaga ng P1.15 milyong shabu kay Jason Bagafora, 35 anyos, naganap sa Upper Bicutan nitong nakalipas na 8 Oktubre;
– Ang pagkakadakip sa isang babaeng bumibisita sa isang preso sa pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tinangkang ipalusot ang P95,200 halaga ng shabu sa Manila City Jail annex sa Camp Bagong Diwa noong 12 Oktubre;
– Nasakote din ang nagnganglang Anthony Robert Santos na hinihinalang nasa likod ng sunod-sunod na hold-ups scams na target ay pawang mga motorcycle taxi riders sa lungsod ng Taguig at iba pang kalapit na lungsod;
– At dahil sa tuloy-tuloy na patrolya ng pulisya ay nadakip sina alyas DCS, 34 anyos sa Barangay North Daang Hari na nakuhaan ng nagkakahalang ₱59,160 shabu.
Binigyang-linaw ni Cayetano, ito ang patunay na resulta ng kahalagahan ng pagtutulungan at koordinasyon sa pagitan ng local government at pulisya upang higit na bigyang pansin ang krimen at matiyak na mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamayan.
“Every arrest and every recovery of illegal items contribute to safer streets and stronger trust between the police and the people. We will continue working with law enforcement to build a Transformative, Lively, and Caring city,” garantiya ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com