ni Gerry Baldo
NANAWAGAN ang isang kongresista ng Minorya sa Kamara kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tipunin ang Kongreso kahit na naka-recess ito upang magpasa ng batas na magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Nanawagan si Rep. Edgar Erice ng Caloocan matapos umatras ang mga kontratistang Discaya sa imbestigasyon ng ICI.
Ani Erice, walang kapangyahiran ang komisyon na puwersahin ang mga witness at makuha ang kritikal na ebidensiya.
Aniya, ang ICI ay binuo lamang ng isang executive order at walang kapangyarihang puwersahin ang pribadong tao o kompanya na dumalo sa pagdinig.
“Without a law, the commission is powerless and could become inutile. This refusal to cooperate will encourage others to do the same, undermining the credibility of the investigation and delaying justice in what may be the biggest public fund heist in Philippine history,” ani Erice.
Giit ng mambabatas, ang Kongreso lamang ang makakapagbigay ng kapangyarihan sa komisyon na magpatawag ng isang tao sa pribadong sector o sa gobyerno.
“Under an executive order, the commission depends entirely on the President for funding and can be abolished at any time. A legislated commission, however, cannot be dissolved easily and will possess true independence.”
Ani Erice, ang mga sangkot sa katiwalian sa impraestruktura ay maaaring lumipad tungo sa ibang bansa o sirain ang mga ebidensiya.
“Witnesses and whistleblowers will lose confidence if the administration hesitates. The President must act decisively to prove his sincerity in bringing the perpetrators of this plunder to justice.” aniya.
“Ang kailangan ay isang batas upang bigyang lakas ang imbestigasyon,” pahayag ng mambabatas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com