Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
tobacco harm reduction Nicotine Summit

Panawagan sa Summit
Harm reduction panatilihin, haligi ng pampublikong

kalusugan palakasin

NANAWAGAN ang mga health experts at consumer advocates sa pamahalaan na itaguyod at protektahan ang tobacco harm reduction bilang pundasyon ng polisiya sa pampublikong kalusugan sa ginanap na Harm Reduction and Nicotine Summit.

Nagbabala sila na ang pagbalewala sa makabagong agham ay naglilimita sa mga naninigarilyo na magkaroon ng access sa mga alternatibong napatunayang mas ligtas at suportado ng siyensiya, na nagreresulta sa pagkawala ng mga benepisyo para sa pampublikong kalusugan.

Binigyang-diin ng mga tagapagsalita na dapat maging pangunahing prinsipyo ng pampublikong kalusugan ang tobacco harm reduction. Ang tobacco harm reduction ay isang pamamaraan na naglalayong bawasan ang panganib na dulot ng paninigarilyo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga alternatibong hindi lumilikha ng usok, gaya ng mga e-cigarette, nicotine pouch, at heated tobacco products.

Tinataya ng Public Health England sa UK na ang e-cigarette ay halos 95% na mas mababa ang panganib kaysa karaniwang sigarilyo, at napansin din nila ang mas mataas na tagumpay ng pagtigil sa paninigarilyo sa mga matatandang gumagamit nito.

Sa Japan, natuklasan ng mga pag-aaral na may mas mababang exposure sa mga mapanganib na kemikal ang mga naninigarilyong ganap na lumipat sa heated tobacco products.

Bagaman sinusunod ng Vape Law ng Filipinas ang isa sa pinakaprogresibong framework para sa mga alternatibong produkto, sinabi ng mga convenor sa summit na marami pang kailangang gawin upang mas mapalawak ang access sa mga produktong ito, binigyang-diin din ng mga tagapagsalita na mahalaga ang edukasyon tungkol sa mga produktong ito at sa nikotina upang maipakita ang mga benepisyo ng mga alternatibo na may mas mababang panganib.

“The continued demonization of nicotine is not only scientifically inaccurate; it’s dangerous,” wika ni Dr. Lorenzo Mata, Pangulo ng Quit for Good. “We cannot allow outdated research or erroneous beliefs to guide regulation. It puts millions of nicotine-dependent Filipinos at risk by forcing them to stick with harmful cigarettes.”

Ibinahagi naman ni Dr. Jong Varela, isang surgeon at tagapagtaguyod ng harm reduction, ang modelo ng Sweden sa pagkakamit ng smoke-free status.

Binigyang-diin niya na dapat nakabatay sa agham ang mga polisiya at dapat tumulong ang regulasyon sa mga naninigarilyo na makalipat sa mga alternatibong produkto.

“The smoke-free alternatives we have today provide us a pathway to better protecting the public from the negative health impacts of tobacco while also acknowledging the reality of those dealing with nicotine addiction,” wika niya.

Nanawagan siya sa mga mambabatas na gawing mas abot-kamay ang mga ligtas na alternatibo, lalo na’t ipinapakita ng mga pag-aaral na 80% ng mga gumagamit ay nag-ulat ng positibong karanasan sa paggamit ng mga produktong may nikotina.

Ibinunyag sa summit ang ilang nakababahalang datos: tumaas sa 23.2% ang adult smoking rate noong 2023, mula 18.5% noong 2021. Samantala, nalugi umano ang pamahalaan ng ₱40 bilyon dahil sa ilegal na bentahan ng sigarilyo at vape mula 2021 hanggang 2024.

Ayon sa mga eksperto, ipinapakita ng mga bilang na ito ang pangangailangan ng mas matalinong regulasyong batay sa agham.

Ipinakita ng research ni Prop. Christopher Cabuay na pinamagatang “Assessing the Impact of Shifting to Non-Combusted Alternatives to Reduce the Economic Cost of Tobacco-Related Illnesses: A Cost of Illness Approach in the Philippine Case,” na kung kalahati ng mga naninigarilyong Filipino ay lilipat sa mga hindi sinusunog na alternatibo, makatitipid ang bansa ng US$3.4 bilyon bawat taon sa gastusin sa kalusugan na may kaugnayan sa paninigarilyo katumbas ng 0.87% ng GDP.

Nanawagan si Anton Israel ng NCUP para sa mas inklusibong paggawa ng polisiya. “We hope lawmakers listen to real consumer experiences,” sabi niya.

“People will make better choices if the law empowers them.”

Samantala, nagbabala si policy expert Michael Eric Castillo ng CAPS & Partners na ang komplikadong estruktura ng buwis ay lumilikha ng mga puwang para sa smuggling at nagtutulak sa mga mamimili tungo sa mga unregulated na merkado imbes sa mga legal at mas ligtas na produkto.

Sa isang pinagsamang manifesto, nanawagan ang mga eksperto at advocate groups sa pamahalaan na magpatibay at magpanatili ng mga polisiya na nakabatay sa agham upang maprotektahan ang pampublikong kalusugan habang iginagalang ang karapatan ng mga konsumer.

Nanawagan sila ng reporma sa pagbubuwis, mas mahigpit na pagpapatupad laban sa ilegal na kalakalan, at framework na tutulong sa mga naninigarilyo na lumipat sa mas ligtas na alternatibo. (NINO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …