BINUKSAN na para sa publiko ang dalawang public utility vehicle (PUV) stops sa Barangay Concepcion at Barangay San Roque na naglalayong makapagbigay ng komportable, maayos, at ligtas na pagbibiyahe para sa mga taga-Marikina City.
Ang programa ay binuo ng Marikina City local government unit (LGU) at Department of Transportation (DOTr) na sabay na pinasinayanan nina
Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro at DOTr Secretary Giovanni Lopez, ang PUV Stops na malapit sa Concepcion Elementary School at San Roque Elementary School.
“We have closely coordinated with the Department of Transportation (DOTr) to make this project possible. Our goal is to provide Marikina commuters with safe, convenient, and accessible PUV stops for their daily travels,” ayon kay Mayora Teodoro na naglalayong magkaroon ng kaginhawahan sa pagbiyahe ang mga Marikenyo.
“We are very lucky, from the citizens of Marikina, to be one of the LGUs na makatanggap nito. Actually, Marikina is very lucky dahil dalawa sa anim na transport stations ay dito sa Marikina inilagay. This is very sustainable and in line with our program,” ayon pa sa alkalde.
Nabatid na anim ang inilaan ng DOTr na public utility vehicle (PUV) stops sa Metro Manila na pinalad ang Marikina City mailagay sa kanila dalawang stops.
“Magagawa lang po namin ang proyektong ito sa malapit na pakikipag-ugnayan sa local government unit sa pangunguna ni Mayor Maan. Talaga pong nag-request siya nang ganito para sa kanyang mga constituents.” ayon kay Sec. Lopez.
Ang PUV Stops ay dinisenyohan ng may ligtas at komportableng pagbibiyahe at mayroon pang CCTV cameras, lighting systems, at eco-friendly amenities na tulad ng solar panels, charging stations at bike facilities and repair stations, kabilang ang pagkakaroon ng mga accessible seats para sa senior citizens at persons with disability (PWD). (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com