Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa serbisyo ng koryente na maaaring idulot ng ulan dala ng Bagyong Paolo.

Naka-full alert ang mga crew at personnel para masiguro ang maagap na pagtugon laban sa epekto ng masamang panahon lalo sa mga franchise area nito na nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal 1.

“Makaaasa ang aming mga customer sa aming pagtutok at agarang pagtugon sa kanilang mga alalahanin. Pinapayohan rin namin ang publiko na magdoble-ingat, lalo sa mga lugar na madaling bahain,” ani Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications na si Joe R. Zaldarriaga.

Ilan sa mga paalala para maiwasan ang aksidenteng may kaugnayan sa koryente lalo kung may pagbaha ay:

•                 Patayin ang main power switch o circuit breaker. Tiyaking tuyo ang kamay at paa bago humawak sa kahit anong kagamitang elektrikal.

•                 I-unplug ang lahat ng appliances at patayin ang mga permanenteng nakakabit na kagamitan. Kung maaari, tanggalin ang mga bombilya.

•                 Linisin ang putik at dumi sa mga kagamitang elektrikal gamit ang rubber gloves at sapatos na may rubber soles.

•                 Siguraduhing tuyo ang lahat ng kable, saksakan, at kagamitang elektrikal bago gamitin.

•                 Ipa-inspeksiyon sa lisensyadong electrician ang mga appliances at wiring system bago muling gamitin. Huwag gamitin ang mga kagamitang elektrikal na nasira ng baha. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …