Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pacman Veana Fores Thrilla in Manila
IGINAWAD ni Veana Fores, Uniprom Inc. director ang replika ng “Thrilla in Manila” kay boxing icon/promoter Manny Pacquiao sa ginanap na press conference sa World Kitchens, sa Gateway Mall 2 sa Quezon City. (HENRY TALAN VARGAS)

Sa ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila
SMART ARANETA COLISEUM MULING NASA SPOTLIGHT

ISANG knockout tribute ang inilunsad ng Big Dome at Araneta City upang parangalan ang makasaysayang laban na ginanap dito kalahating siglo na ang nakararaan na naglagay sa Filipinas sa mapa ng sports sa buong mundo.

Limampung taon matapos ang isa sa pinakatanyag na laban sa kasaysayan ng boksing, muling nabigyang-pansin ang Smart Araneta Coliseum (kilala rin bilang The Big Dome).

Ngayong Oktubre ay ginugunita ang ika-50 anibersaryo ng “Thrilla in Manila,” ang maalamat na laban noong 1975 ng mga boksingerong sina Muhammad Ali at Joe Frazier na ginanap sa Big Dome. Itinuturing ito bilang isa sa mga pinakadakilang laban sa lahat ng panahon, hindi lamang nito dinala ang pandaigdigang atensiyon sa Filipinas; pinagtibay rin nito ang reputasyon ng Smart Araneta Coliseum bilang isang makasaysayang lugar.

Kasing-iconic ng laban ang mismong venue. Matatagpuan sa puso ng Araneta City, nananatiling isa sa pinakamalalaking indoor arena sa Asya ang Big Dome, at isa rin sa pinakamalalaking clear span domes sa buong mundo, na may kakayahang maglulan ng hanggang 20,000 katao. Mula nang ito’y buksan noong 1960, ito ay naging tahanan ng iba’t ibang world-class na kaganapan—mula sa mga world-title boxing matches at international concerts, hanggang sa mga state functions at cultural showcases. Dahil sa natatangi nitong estruktura at lokasyon, ang Big Dome ay naging pangunahing venue ng mga makasaysayang sandali—kabilang ang maalamat na laban na naganap 50 taon na ang nakalilipas.

Bilang pag-alaala sa Thrilla in Manila, nakikiisa ang Smart Araneta Coliseum at Araneta City sa pambansang pagdiriwang na pinangungunahan ng Philippine Sports Commission (PSC). Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 99 na inilabas ng Malacañang, na humihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, at pribadong sektor sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng makasaysayang laban.

Bilang pangunahing venue ng selebrasyon, ang Araneta City ay magsasagawa ng sunod-sunod na mga kaganapan, kabilang ang isang-buwang nakaeengganyong exhibits sa lobby ng Big Dome, at live boxing exhibitions sa 29 Oktubre kung kailan tampok ang mga nangungunang boksingero mula sa iba’t ibang panig ng mundo, upang muling buhayin ang diwa ng orihinal na ‘Thrilla.’

Pamumunuan ni Manny Pacquiao ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng “Thrilla in Manila” bilang  promoter ng gaganaping isang malaking boxing event sa 29 Oktubre sa Smart Araneta Coliseum.

Ang event, inihahandog nina Pacquiao at ng International Boxing Association (IBA), ay tampok ang laban para sa WBC strawweight world title sa pagitan ng kampeong Pinoy na si Melvin Jerusalem at Ayanda Kuse ng South Africa.

Kabilang sa undercard si Olympic silver medalist Eumir Marcial kontra sa undefeated American na si Eddy Colmenares kasama ang mga natatanging Filipino boxers na sina Arvin Magramo, Marlon Tapalesa, at Carl Jammes Martin.

“Napaka-espesyal ng taong ito para sa amin,” ayon kay Irene Jose, COO ng Uniprom Inc., ang entertainment arm ng Araneta City. “Ang Smart Araneta Coliseum ay naging bahagi ng napakaraming hindi malilimutang kuwento—mula sa mga legendary concerts hanggang sa makasaysayang laban. Ipinagmamalaki naming naging tahanan ng Thrilla in Manila, at isang karangalan ang maging sentro ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo nito.”

Limampung taon matapos ang Thrilla in Manila, nananatiling nasa gitna ng lahat ng kaganapan ang Smart Araneta Coliseum—handa sa susunod na laban, at sa susunod na kuwento na huhubog sa bagong henerasyon. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …