Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
National Prayer for Peace isinusulong ng Jesus is Our Shepherd Worldwide Ministries

Sa 36th grandest living like Jesus anniversary  
National Prayer for Peace isinusulong ng Jesus is Our Shepherd Worldwide Ministries

BILANG bahagi ng 36th grandest living like Jesus anniversary ng Jesus is Our Shepherd Worldwide Ministries magsasagawa ng National Prayer for Peace sa 5 Nobyembre ng taong kasalukuyan sa FilOil Centre sa San Juan City.

Libre ito at gagamitin ang lahat ng uri ng teknolohiya matiyak lamang na makasama at makadalo ang iba pa nilang miyembro at nais makiisa sa iba’t ibang panig ng bansa at sa ibang bansa.

Ayon kay Apostle Renato Carillo, founder at spiritual director, layon nitong ipanalangin ang bansa upang muling makabangon mula sa kadiliman at hindi magtagumpay ang kalabang si ‘satanas’.

Naniniwala si Carillo na mayroong malaking plano ang Panginoon sa Filipinas at hindi niya papayagan na malugmok sa dusa ang mga mamamayan nito.

Tiniyak ni Carillo, sa naturang pagdiriwang ay wala silang inimbitahang magtatanghal na celebrity at inimbitahang mga politiko upang maging sentro at nakatuon ang pagdiriwang sa panalangin sa lahat ng sektor ng ating lipunan lalo sa ating bansa na kasalukuyang humaharap sa mga hamon ng buhay lalo sa usapin ng korupsiyon.

Naniniwala si Carillo na ang pagbabalik-loob at pagkilala at pagbibigay focus sa Panginoon ang susi upang manumbalik ang kaayusan sa ating lipunan at matigil na ang kasamaan.

Umaasa si Carillo na tunay na may ‘himalang’ gagawin ang Panginoon upang kanyang mabago ang buhay ng bawat indibiduwal, mapagaling ang mga may sakit at karamdaman at makilala ang Diyos upang layuan at iwaksi ang kasamaan.

Samantala magsisimula ang kanilang pagdiriwang sa 8-9 Oktubre sa JIOSWM Worship Center upang tugunan ang pangangailangang espirituwal, mental at pisikal ng kahit sinong mamamayang dadalo kapanalig man nila o hindi.

Sa 12 Oktubre ng taong kasalukuyan ang pinakamalaking araw ng pagdiriwang na gaganapin upang muling ipakilala ang tunay na Panginoon na nagbibigay at gumagawa ng himala.

Pagtitiyak ni Carillo, walang kahit sinong politiko ang nasa likod nila at hiningian nila ng suporta salapi man o sa anumang pamamaraan.

Katunayan aniya marami na ang lumalapit sa kanya ngunit wala pa siyang pinagbigyan at marami na rin ang nag-alok sa kanya ng mga halaga ng salapi pero hindi niya tinanggap ang kahit kusing.

Buo ang paniniwala ni Carillo at sa Himala ng Diyos ay makararaos sila at maisasagawa nila nang ligtas at matagumpay ang lahat ng gawain at plano ng Panginoon para sa tao. 

Umaasa si Carillo na sa kanilang mga isasagawang programa ay madaragdagan pa ang mga taong hihipuin ng Panginoon upang kilalanin ang kanyang salita at turo na aniya’y tanging batayan ang banal na kasulatan na naglalaman ng Salita ng Diyos. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …