Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taguig PNP Police

P3.8-M shabu nasakote sa high-value drug suspect ng Taguig City police

NASAKOTE ng Taguig City Police ang isang inarestong kinilalang high-value drug personality sa isang buy-bust operation at nakuhaan ng mahigit kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.8 milyon sa Barangay Pembo ng lungsod.

Kinilala ang suspek na si Rowel Mendoza, 26 anyos, construction worker, naninirahan sa nasabing barangay.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 12:30 ng umaga noong 1 Oktubre, nang isagawa ang joint operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station (CPS) at  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at dito nasakote ang suspek.

Sa pahayag ng pulisya, si Mendoza, alyas Rowel ay bahagi ng talaan ng mga bagong kinilalang high-value individual sa lungsod ukol sa illegal drugs watchlist.

Nakuha sa suspek ang pitong sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 565.6 gramo, may halagang  P3,846,080 milyom kasama ang isang green coin purse, brown wallet, light green tea bag, at ang ginamit na  marked buy-bust money na kinabibilanganan ng P500 bill at 11 pirasong  boodle money.

Agad dinala sa Southern Police District Forensic Unit sa Camp Bagong Diwa para sa laboratory examination ang mga nakompiskang hinihinalang droga samantala si Mendoza ay nanatiling nakapiit sa Taguig CPS custodial facility.

Sinampahan ng kasong paglabag sa  Sections 5 at 11 ng Article II of Republic Act 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Taguig City Police Chief Colonel Byron F. Allatog ang pagkakadakip sa suspek ay bahagi ng kanilang kampanya na sugpuin ang ilegal na droga batay sa kautusan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na bigyang priyoridad ang pagdakip sa mga  high-value personalities at panatilihing drug-free ang Taguig. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …