Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Asia Pacific Padel Cup
BINATI at pinuri ng founder ng Padel Pilipinas na si Senadora Pia Cayetano (gitna) sina Johnny Arcilla, at Joanna Tao Yee Tan na tinanghal na Male at Female Most Valuable Player (MVPs) ng 2025 Asia Pacific Padel Cup (APPC) na ginanap sa Selangor, Malaysia. Ang koponan ng Padel Pilipinas, kampeon ng APPC ay ginawaran ng plake ng pagkilala mula kay Senate President Tito Sotto, habang sina Senadora Pia Cayetano at ang iba pang mga miyembro at mambabatas ng Mataas na Kapulungan ay pinuri ang mga atleta. (HENRY TALAN VARGAS)

Sa tagumpay sa Asia Pacific Padel Cup (APPC)
Padel Pilipinas pinarangalan ng Senado

KINILALA at pinuri ng Senado ang Padel Pilipinas matapos ang makasaysayang tagumpay nito sa 2025 Asia Pacific Padel Cup (APPC) na ginanap sa Selangor, Malaysia.

Walang talo ang pambansang koponan sa buong torneo, matapos talunin ang mga malalakas na koponan mula sa Malaysia, Hong Kong, Thailand, South Korea, Pakistan, Singapore, at India upang tanghaling kampeon sa rehiyon.

Nagbigay ng omnibus sponsorship speech si Senadora Pia Cayetano, founder ng Padel Pilipinas, kung saan pinuri niya ang mga atleta at mga coach, at kinilala ang natatanging mga manlalaro na sina Joanna Tao Yee Tan at Johnny Arcilla, na tinanghal na Female at Male MVPs ng APPC.

Inaprubahan din ng Senado ang mga resolusyong bumabati kina Tan at LA Cañizares para sa kanilang tagumpay sa Mixed Pro title sa APPT Kuala Lumpur Open, at kay Tan para sa kanyang Pro Female championship sa APPT Bali Open.

“Nasaksihan ko ang pag-usbong ng ating koponan mula sa isang pangarap tungo sa isang maningning na tagumpay. Ang makita silang nagwagi at ang ating watawat na iwinagayway sa pandaigdigang entablado ay katuparan ng isang bisyon,” sabi ni Cayetano. “Bitbit ng ating mga atleta ang ating watawat nang may dangal, nagsilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon, at nagsulat ng kasaysayan para sa palakasan ng Pilipinas.” (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …