Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janella Salvador

Janella nagsalita ukol sa katiwalian: Kasama niyo ako sa laban

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI napigilang magpahayag ng saloobin ni Janella Salvador ukol sa nangyayaring katiwalian sa bansa kaya naman sa gitna ng question and answer ng Star Magic’s Spotlight Presscon ay sinabing suportado niya ang mga Filipino nagmartsa sa lansangan para papanagutin ang mga nagkasala.

Sinabi ni Janella na hindi siya maaaring manahimik sa kasalukuyang kalagayan ng bansa

“Hindi ko masikmura na nasa presson ako ngayong araw na ‘to at hindi ako magsi-speak up about the current happenings sa country natin,” anang aktres na hindi nakasalit sa rally noong Linggo dahil sa iskedyul.

“I would like people to know na kasama niyo ako sa laban. And it’s really really time na we all join forces and let our voices be heard. At tama na ‘yung panggagago talaga sa ating mga Filipino,” giit pa ni Janella.

Samantala, ok lang sa aktres na hindi siya napiling gumanap para sa adaptasyon ng hit na nobela sa Wattpad, ang I Love You Since 1892

Nalungkot din naman ako na noong nakita ko na may iba na. Siyempre, it’s a well-written book so hopefully, ma-represent ng maayos. 

“Alam ko namang magagaling na artista ang kinuha nila,” pahayag pa ni Janella.

Sina Heaven Peralejo at Jerome Ponce ang napiling gumanap sa naturang adaptasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …