HANDA at kumpiyansa ang Philippine Memory Team na magiging ispesyal ang kampanya sa kanilang pagsabak sa 7th Philippine International Memory Sports Championship sa Setyembre 20 (Sabado) sa La Salle Greenhills sa Mandaluyong City.
Ibinida ni Philippine Mind Sports Association (PMSA) president Anne Bernadette ‘AB’ Bonita na naglaan nang karagdagang oras sa pagsasanay ang mga Pinoy Henyo para mabigyan nang karangalan ang bansa gayundin ang maisulong ang kampanya na makamit ang minimithing Grandmaster title para sa dalawang atleta.
“Mongolia, the world’s heavyweight Memory Sports Team is coming. Talagang mabigay ang laban but I’m confident that our Pinoy Henyo with intense preparation and strict training for months will do good and win medals,” pahayag ni Bonita, nagsisilbi ring coach ng kopona na binubuo ng 19 na atleta.
Bukod sa Mongolia, sasabak sa torneo ang mga henyo mula sa India, Indonesia at Australia. Sa kabuuang 49 atleta ang kumpirmadong kalahok sa isang araw na torneo na mapapanood vial live streaming sa Facebook page ng Philippine Mind Sports Association.
“Matindi ang labanan, kaya strict ang rules pagdating sa crowd ang Asian Memory Association para di masira yung concentration ng mga players,” ayon kay Bonita. sa lingguhang program na Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Conference hall ng Philippne Sports Commission (PSC) sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila, na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat at Lila Premium Healthy Coffee.
Mismong ang Global Memory Sports ang nagbuo at mangangasiwa ng digital game program ng mga laro.
“To address fairness at makaiwas sa cheating, bukod sa mga bantay, automatic na iko-call ang attention ng mga officials kapag may movement ang atleta na nago-open ng ibang programa, bukod pa na no cell phone allowed,” aniya.
Kabilang sa pambato ng bansa sa torneo na sasabak sa memorization game — Names and Faces, Binary Numbers, Random Numbers, Speed Numbers, Historic/Future Dates – sina Charles Andrei Galamgam, 14, at Patricia Vnyz Lopez, 15.
“I trained hard with coach AB for the past months. Mentally and physically, I’m ready to play against the world best memory athletes,” pahayag ni Galamgam, Grade 9 sa Victory Christian International School.
Kumpiyansa rin ang Grade 9 din na si Lopez mula sa Marikina Science High School na masustinahan ang nakamit niyang gold medal sa pagsabak sa Indonesian Championship sa nakalipas na buwan.
“Ready naman po ako, like Charles, I trained hard with coach AB. Then sa bahay continued naman po ang training. Hopefully, makakuha rin ako ng gold medal dito,” ayon kay Lopez.
Ayon kay Bonita, ang torneo ang gagamiting basehan para mapili ang mga atleta na ipadadala ng bansa sa Asia Memory Championship sa Nobyembre 15-16 sa Hyderabad, India.
“Both (Galamgam and Lopez) are aiming to reach the requirements to become a Grandmaster of Memory at the Asia Memory Championship. Hopefully, makuha ng ating mga atleta,” pahayag ni Bonita. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com