Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Romualdez

Romualdez nagbitiw  na sa puwesto

ni Gerry Baldo

NAGBITIW sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez kahapon sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa Kamara de Representantes patungkol sa “flood control scam.”

“I step down not in surrender, but in service,” ani Romualdez sa kanyang talumpati sa session hall ng kamara.

Anang speaker, nagbitiw siya para bigyang- daan ang imbestigasyon sa kontrobersiya sa kamara.

“I stand before you today with utmost humility, and with deep gratitude for the trust and confidence you have accorded me. That trust has been the source of my strength in every day of service,” ani Romualdez.

Napaiyak ang ibang empleyado ng kamara.

Aniya, buo ang suporta niya sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para magkaroon ng “accountability” sa mga kontrobersiya sa flood control projects na hinihinalang sangkot ang ilang kongresista.

Inako ni Romualdez na naging mabigat sa kanyang liderato ang mga alegasyon sa “infrastructure projects.”

“The longer I stay, the heavier that burden grows — on me, this House, and the President I have always sought to support,” aniya.

“Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of Representatives.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …