Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine National Padel Team 2025 Asia Pacific Padel Cup APPC
ANG Philippine National Padel Team kinoronahan bilang kampeon ng 2025 Asia Pacific Padel Cup (APPC) na ginanap sa Selangor, Malaysia. (Padel photo)

Team Padel Pilipinas Nagwagi ng Makasaysayang Tagumpay sa 2025 Asia Pacific Padel Cup

Selangor, Malaysia — PORMAL nang kinoronahan bilang kampeon ng 2025 Asia Pacific Padel Cup (APPC) ang Philippine National Padel Team. Idinaos mula Agosto 28 hanggang 31  kinoronahan bilang kampeon ng 2025 Asia Pacific Padel Cup (APPC  tampok sa torneo ang walong pinakamahuhusay na koponan sa rehiyon — Malaysia, Hong Kong, Thailand, South Korea, Pakistan, Singapore, India, at Pilipinas.
Kinatawan ng bansa ang isang koponang binubuo ng mga beteranong kampeon at mga bagong talento, sa pangunguna ni Team Captain Argil Lance “LA” Cañizares, kasama sina Abdulqoahar “Qoqo” Allian, Johnny Arcilla, Bryan Saarenas, Derrick Santos, Raymark “Mac” Gulfo, Fritz Chris Verdad, Joanna Tao Yee Tan, Mariam Yasmin “Yam” Garsin, Jed Vallie Rayne Aquino, Danna Mariella Abad, at Joshea Dominique Malazarte.
Matagumpay na tumawid ang Pilipinas mula sa group stage matapos talunin ang Pakistan (5-0), Hong Kong (4-1), at ang host nation na Malaysia (4-1), kaya’t nakapasok ito sa quarterfinals. Sa quarterfinals, nilampaso ng koponan ang South Korea, 3-0, sa pamamagitan ng panalo nina Fritz Verdad at Qoqo Allian, Danna Abad at Jed Aquino, at muling naglaro si Aquino kasama si Verdad.
Sa semifinals, muling nakaharap ng Pilipinas ang Malaysia at muling nanaig, 3-0. Napanalunan nina Johnny Arcilla at LA Cañizares ang unang laban (6-4, 6-4), sinundan nina Tao Yee Tan at Yam Garsin (6-0, 6-3), at si Arcilla ay muling naglaro kasama si Tan (6-2, 6-3) upang tuluyang patalsikin ang defending champions at masungkit ang tiket patungong finals.
Sa finals kontra Hong Kong, tatlong laban lamang ang kinailangan ng Pilipinas para masungkit ang best-of-five series. Nagsimula ang koponan sa panalo nina Arcilla at Cañizares (6-0, 6-2), sinundan nina Tan at Garsin (6-2, 6-3), at muling naglaro si Arcilla kasama si Tan para isara ang laban (7-5, 6-2) at tuluyang kamtin ang kampeonato.
Bilang dagdag sa tagumpay, kinilala si Johnny Arcilla bilang Male MVP, habang si Joanna Tao Yee Tan, na kasalukuyang Asia Pacific Padel Tour Rank No. 2, ang tinanghal na Female MVP, na lalong nagpatingkad sa pamamayagpag ng Pilipinas sa torneo.
Ang tagumpay ng koponan ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni National Team Head Coach Bryan Casao, Strength and Conditioning Coach Jaric Lavalle, at Collaborating Foreign Coach Tomás Vasco mula Portugal. Kasama nila sa tagumpay ang mga lider ng Padel Pilipinas — Founder Senator Pia S. Cayetano, Team Manager Jeff Cheng, Secretary General Atty. Duane Santos, Executive Director Atty. Jackie Gan, at ang pangunahing sponsor na si UNILAB President Backy Baquiran, na lahat ay naroroon upang suportahan ang pambansang koponan.

Ibinahagi ni Senator Pia S. Cayetano ang kanyang pagmamalaki sa koponan:
“Ang tagumpay ng koponan ay hindi lang bunga ng pagganap nila ngayong linggo. Ito ay bunga ng matinding paghahanda buong taon, sa loob at labas ng court. Espesyal ang torneong ito dahil ito ang Asia Pacific Padel Cup — salpukan ng mga bansa. Hindi lang dalawang manlalaro ang kailangang manalo, kundi buong koponan. At ngayon, nanalo ang Pilipinas! Ipinakita ng ating mga atleta ang galing, tibay, at puso ng mga Pilipino. Lubos ang aking pagmamalaki sa tagumpay nilang ito para sa bayan.”
Ayon naman kay Team Manager Jeff Cheng:
“Talagang pinaghandaan ng koponan ang torneong ito. Bawat ensayo, bawat pagbabago — lahat ‘yan ay nagbunga. Ikinararangal ko kung paano nagsanib-puwersa ang mga manlalaro, nanatiling nakatutok, at pinatunayan na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa pinakamagagaling sa Asia.”
Para naman kay Secretary General Atty. Duane Santos, ito ay isang makasaysayang tagumpay:
“Ang pagkapanalo sa Asia Pacific Padel Cup ay patunay ng matibay na pundasyon ng ating federasyon at ng dedikasyon ng ating mga atleta. Sa buong torneo, naglaro tayo ng 26 na laban — 24 ang panalo, 2 lang ang talo — at naging kampeon laban sa 7 sa pinakamahuhusay sa rehiyon. Patunay ito na ang Pilipinas ay isa nang pwersa sa Asia.”
Binigyang-diin naman ni Executive Director Atty. Jackie Gan ang kalidad ng tagumpay:
“Ang kahalagahan ng tagumpay na ito ay hindi lang dahil sa titulo, kundi sa ipinakitang consistency at composure ng ating mga manlalaro. Ipinakita natin na handa na tayong makipaglaban sa pandaigdigang entablado.”
Itinampok din ng kampeonato ang tagumpay ng mga programa ng Padel Pilipinas — mula grassroots development hanggang international competition, naging matibay ang pundasyong isinulong ng federasyon para sa tagumpay ng bansa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …