Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rapha Herrera
ANG batang karatekas na si Raphael Herrera 12 taong gulang na nag uwi ng bronze medal mula sa Hangzhou, China ay muling sasabak sa Batang Pinoy kakatawanin ang QuezonCity, kasama ang kaniyang National coach at Sensei master na si Engene Dagohoy sa kanilang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room. sa Rizal Memorial Sports Comlpex sa Malate, Maynla. (HENRY TALAN VARGAS)

Rapha Herrera, future Olympian ng Pinas

TAMANG pundasyon ang matibay na sinasandalan ng karate rising star na si Raphael ‘Rapha’ Herrera.

Sa edad na 12-anyos, ang Grade 9 student ng Abba’s Orchard  ay isa nang ganap na National champion at Asian level meet medalist.

“I love karate very much. I love to train and to compete,” sambit ni Rapha sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS)  ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room.

Laban sa mas matatangkad na katunggali, sumabak si Rapha sa 2nd Asian Youth Open Open Karate Championship & Training Camp (14-under) nitong Agosto 12-16 sa Hangzhou, China kung saan nasungkit niya ang bronze medal matapos magwagi sa lanyang huling laban kontra sa mas matangkad na karibal mula sa New Zealand.

Itinuturing major event and torneo ng International Karate Federation kung saan kabuuang 235 atleta mula sa 14 na bansa ang sumabak sa kata at full contact event.

“It’s a very tough match,” pagbabalik-tanaw ni Rapha. “But I want to win I tell my self you need to win and used it to motivate myself. I’m very thankful to may parents, my teacher and to my coach for the support,” pahayag ni Rapha sa program na itinataguyod ng Philippine Spirts Commission, Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat at Lila Premium Healthy Coffee.

Nakasagupa rin ni Rapha sa kanyang division ang karibal mula sa Australia, China, Taiwan at Australia.

“Rapha is very disciplined every coach aspired to be coached. He’s mentally prepared and focus. He’s the first athlete to arrive in training and the last to go home,” pahayag ni National coach Engene Dagohoy, and Sensei Master ni Herrera sa The Grove Rockwell sa Pasig City.

“He’s a promising athlete. I coach him for only two years but I see a lot of potential,” aniya.

Matapos sanayin, isinabak ni Dagohoy si Rapha sa local meet at regional tournaments kung saan itinanghal itong kampeon sa National Open na ginanap sa Cebu at ilang torneo sa Bacolod.

Masusubok ang kanyang kahusayan sa pagsabak sa Batang Pinoy sa October 24-Nov. 1 sa Gen. Santos City kung saan kakatawanin niya ang Quezon City.

“I try my very best to win medals in Batang Pinoy,” pahayag ni Rapha.

Ayon kay Dagohoy, bahagi ang Batang Pinoy sa paghahanda ni Rapha para sa pagsabak sa World  Karate Federation Youth League na gaganapin sa bansa sa sa susunod na taon.

“As a national champion in kata, he has earned his spot among the country’s top young karatekas in next year’s World Championship,” pahayag ni Dagohoy.

Iginiit ni Rapha na pursigido siyang maitaas ang level ng kakayahan upang matupad ang kanyang pangarap na makapaglaro sa Olympic.

“It’s my ultimate goal, win a gold medal in the Olympics,” sambit Rapha. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …