Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manila Sports Council MASCO Dale Evangelista Darren Evangelista TOPS
MGA programa sa palakasan ng mga batang Manileno inilatag ni Manila Sports Council (MASCO) Chief Dale Evangelista (kaliwa) simula grassroots hanggang elite level kasama ang nakatatandang kapatid at beteranong swimming coach at event organizer na si Darren Evangelista (gitna) at isa pang MASCO opisyal sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

MASCO target mangibabaw sa Batang Pinoy

TARGET ni Manila Sports Council (MASCO) Chief Dale Evangelista na mas maraming Pinoy na Batang Maynila ang maging Olympian.

“That’s my dream, but reality is very clear as MASCO with the support of Manila Mayor Isko Moreno is buckle up to work to make Manila – again, became the top sports city in the country,” pahayag ni Evangelista sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’  kahapon sa PSC Conference room.

“The last Filipino so far na may double gold medal sa Olympic sa purong taga-Maynila,” saad ni Evangelista patungkol kay gymnast Carlo Yulo na laking Paraiso ng Maynila sa Malate.

Matapos maitalaga bilang MASCO Chief kaagad na inilatag ni Evangelista ang programa para palakasin ang kasanayan ng atletang Manileno mula sa grassroots hanggang sa elite level upang masiguro ang ‘continuity’ hindi lamang sa kanilang pagsasanay bagkus sa kanilang edukasyon.

Aniya, kagyat niyang inilunsad ang pagpapatupad sa mga programa sa mga barangays, pakikipagpulong sa mga opisyal na pampubliko at pribadong eskwelahan, higit ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman Pato Gregorio upang magamit ang mga pasilidad sa Pambansang training center.

“Sa Manila may mga existing spirts facilities naman tayo. Andyan ang Dapitan Sports Center at Tondo Sports Complex. Lahat yan ay under repair and maintenance na para magamit pero syempre malaking bagay sa Batang Maynila ang pagbubukas ni Chairman Gregorio sa pasilidad ng Rizal Memorial Sports Complex.

“Under kay Yorme Isko, kaya nating ibalik ang Manila bilang sports center sa bansa. Kakayanin natin yan at yan ang aming gagawin,” ayon kay Evangelista sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweats at Lila Premium Healthy Coffee.

Iginiit ni Evangelista na nakatuon ang pansin ng MASCO na maagaw ang korona sa Pasig City sa gaganapig Batang Pinoy sa Oktubre 24 hanggang Nov. 1 sa Gen. Santos City kung saan sasabak angh Manila sa 15 sa 24 na sports na paglalabanan.

“Lahat syempre gusto nating madomina pero right now Malaki ang laban natin sa Batang Pinoy sa athletics, aquatics, boxing, gymnastics, karate, weightlifting, chess at taekwondo,” aniya.

Sa aquatics, katuwang niya sa pagpapalakas sa sports ang nakatatandang kapatid at beteranong swimming coach at event organizer na si Darren Evangelista.

Ilalarg ani Darren ang Yorme Swimming Cup bilanbg panimula na nakatakda sa Setyembre 27-28 sa Teofilo Yldefonso Swimming Center.

“So far 40 teams na nakalista and we expected na over 700 ang swimmers natin dito. Katuwang natin dito syempre ang Right Med at Balay Royale Spa. Aside from this, may tournaments din tayo sa running, weightlifting and golf,” ayon kay Darren. (HNT)

Photo caption:

MGA programa sa palakasan ng mga batang Manileno inilatag ni Manila Sports Council (MASCO) Chief Dale Evangelista (kaliwa) simula grassroots hanggang elite level kasama ang nakatatandang kapatid at beteranong swimming coach at event organizer na si Darren Evangelista (gitna) at isa pang MASCO opisyal sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’  nitong Huwebes sa PSC Conference room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …