Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Discaya Curleem Discaya

Gustong maging ‘state witness’
DISCAYA COUPLE ‘KUMANTA’ SOLONS, STAFF, DPWH EXECS IDINAMAY

ni NIÑO ACLAN

IKINANTA ng mag-asawang Pacifico “Curlee” Discaya  at Cezarah Rowena “Sarah” Cruz Discaya angmga pangalan ng ilang kongresista, kanilang mga staff, at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tinawag na malawakang korupsiyon sa mga flood control projects sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, 8 Setyembre 2025.

Sa kanilang pagdalo sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Senador Rodante Marcoleta, sinabi ni Curlee Discaya na paulit-ulit silang ginamit ng mga nasa puwesto dahil kung hindi sila susunod ay wala silang magagawang proyekto.

Sa binasang affidavit ng mag-asawa kanilang sinabi na paulit-ulit silang ginamit ng mga opisyal at mambabatas upang makakolekta ng 10% hanggang 25% ‘kickbacks’ mula sa halaga ng proyekto bilang kondisyon para hindi ito harangin.

“Paulit ulit kaming ginamit ng mga nasa puwesto sa sistemang ito, wala kaming magawa dahil kung hindi kami makikisama, gagawan nila ng problema ang project na na-award sa amin sa pagitan ng mutual termination o pagkakaroon ng right of way problem na parehong nagdudulot ng hindi matuloy na implementasyon ng mga proyekto,” pahayag ng lalaking Discaya.

Aniya, kapag nanalo sila sa bidding ay nilalapitan sila ng mga opisyal ng DPWH para humingi ng parte sa proyekto.

“Ang hinihingi nilang porsiyento ay hindi bababa sa 10 porsiyento at umaabot pa ng 25% na naging kondisyon para hindi maipit ang pagpapatupad ng programa,” ani Discaya.

Kabilang sa mga tinukoy ng mga Discaya sina Pasig City Rep Roman Romulo, Uswag ­Ilonggo Partylist Rep Jojo Ang, Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas, QC Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde, Agap Partylist Rep. Nicanor “Nikki” Briones, Marikina Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro,  San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, Romblon Rep. Leandro Jesus Madrona, Rep. Benjamin “Benjie” Agarao, Jr., An-waray Party­list Rep. Florencio Gabriel Bem Noel, Occidental Mindoro Rep. Leody “Ode” Tarriela, QC Rep. Reynante “Reynan” Arogancia, QC Rep. Marvin Rillo, Aklan Rep. Teodorico “Teodoro” Haresco, Zamboanga Sibugay Rep. Antonieta Yufela, Caloocan City Rep. Dean Asistio, at QC Rep. Marivic Co Pillar.

Binanggit din si dating Undersecretary Terrence Calatrava, ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV).

Ayon kay Curlee, humiling ang mga tauhan ng ilang politiko na makipagkita sa kanila para humingi ng porsiyento kapalit ng mga proyektong iginawad sa kanila.

Karagdagang tinukoy ang mga opisyal ng DPWH na sinasabing sangkot ay sina Regional Director Virgilio Eduarte ng DPWH Region V; Director Ramon Arriola III ng Unified Project Management Offices; District Engineer Henry Alcantara ng DPWH Bulacan 1st District; Undersecretary Robert Bernardo; District Engineer Aristotle Ramos ng DPWH Metro Manila 1st District; District Engineer Edgardo Pingol ng DPWH Bulacan Sub-Deo: District Engineer Michael Rosaria ng DPWH Quezon 2nd DEO.

Ani Discaya, karamihan sa mga binanggit na kawani ng DPWH ay paulit-ulit na sinasabing ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay hindi bababa sa 25%.

“Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan,” ani Discaya.

Samantala, humingi ng tulong ang mag-asawang Discaya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa Senate blue ribbon para sa proteksiyon at seguridad ng kanilang pamilya.

Nagpahayag silang maging state witness sa imbestigasyon ng Senado.

Sa pagpapalit ng liderato sa Senado, inaasahang magpapatuloy ng imbestigasyon sa mga susunod na linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …