Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bambol Tolentino POC Decha Hemkasri
SI Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, (kaliwa) kasama si General Decha Hemkasri, presidente ng Thailand Cycling Association, habang pinagmamasdan ang mga kumpetisyon sa Suphan Buri Velodrome. (Kuha ng POC)

Tolentino sinimulan na ang paghahanda para sa Asian Track Championships 2025

PERSONAL na pinagmamasdan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang takbo ng 2025 Track Asia Cup sa Suphan Buri, Thailand bilang bahagi ng paghahanda ng Pilipinas sa pagho-host ng Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships sa Marso sa bagong tayong Tagaytay CT Velodrome.

“Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 30 taon na magho-host ang Pilipinas ng Asian-level track championships at nais naming matiyak ang tagumpay nito,” ani Tolentino, na siya ring presidente ng national sports association para sa pagbibisikleta, ang PhilCycling.

Mainit siyang tinanggap ni Thailand Cycling Association president General Decha Hemkasri sa pagbubukas ng kumpetisyon nitong Huwebes sa Suphan Buri Velodrome, na ilang ulit nang naging venue ng parehong paligsahan.

Ang Suphan Buri Velodrome ay isang 333-meter concrete at open-air track, habang ang Tagaytay CT Velodrome ay may 250-meter wooden indoor track na sumusunod sa Olympic at world championship standards ng International Cycling Union.

Ginagamit din ni Tolentino ang ocular visit para inspeksyunin ang pasilidad na magiging venue rin ng track events para sa ika-33 Southeast Asian Games sa Disyembre.

Dalawampu’t walong (28) national at club teams ang kalahok sa Track Asia Cup—na itinakdang mula Huwebes hanggang Sabado—isang malaking bilang na ginagawa itong isa sa mga pinaka-inaabangang karera sa Asya.

“Sa 28 koponan, halos kapareho na ito ng ACC championships kung saan inaasahan nating dadalo ang mga track cyclists mula sa 40 bansa sa Asya sa Tagaytay City,” ani Tolentino.

Gaganapin ang ACC Track Championships sa Tagaytay City mula Marso 25 hanggang 31 sa susunod na taon. (POC)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …