Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wassim Ben Tara Tunisia FIVB
SI Wassim Ben Tara star player ng Tunisia na wala sa kanilang lineup dahil sa naunang obligasyon. (PNVF)

Star player Tara ‘di makalalaro
Tunisia unang katunggali ng Alas Pilipinas sa FIVB Worlds

MAKAKAHARAP ng Alas Pilipinas ang powerhouse mula Africa na Tunisia sa unang araw ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship, ngunit hindi kabilang sa kanilang lineup ang star player na si Wassim Ben Tara.

Si Tara, ang pangunahing scorer ng Tunisia noong 2020 Tokyo Olympics, ay wala sa opisyal na roster na inilabas ngayong buwan dahil sa naunang obligasyon. Gayunpaman, nariyan pa rin ang mga beterano tulad nina Hamza Nagga at Elyes Karamosli para pangunahan ang koponan sa torneo na gaganapin mula Setyembre 12 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.

Si Nagga, isang 6-foot-2 na opposite spiker, at si Karamosli, isang 6-foot-4 na outside hitter, ay mga pangunahing sandigan ni Tara noong 2021 African Men’s Volleyball Championship, kung saan pinalawig ng Tunisia ang kanilang rekord bilang pinakamatagumpay na bansa sa Africa na may 11 titulo.

Ngayon ay pinamumunuan na ang Tunisia ng bagong head coach na si Camillo Placi mula Italy, isang beteranong strategist na nagsilbing assistant coach ng Russia noong nanalo ito ng bronze medal sa 2008 Beijing Olympics.

Makakalaban niya ang kapwa Italyano na si Angiolino Frigoni na siyang namumuno sa Alas Pilipinas.

Magbubukas ang world championships sa laban ng Pilipinas kontra Tunisia sa Pool A sa Setyembre 12, 6 p.m. sa SM Mall of Asia Arena. Matapos nito ay isang engrandeng opening ceremony na kauna-unahan sa kasaysayan ng FIVB, tampok ang K-pop group na BOYNEXTDOOR at Karencitta.

Hindi nagtagumpay ang Tunisia na ipagtanggol ang kanilang African title noong 2023 matapos lumapag sa ikalimang puwesto, ngunit nanatili itong matatag sa pandaigdigang kompetisyon, kaya’t kabilang pa rin sa Top 50 ng FIVB men’s volleyball rankings.

Sa kasalukuyan, nasa ika-42 pwesto ang Tunisia—ikalabing-isa sa pinakamataas na ranggo sa mga bansang hindi direktang nakapasok sa 32-team world championship sa Maynila, ang pinakamalaking edisyon ng FIVB sa kasaysayan na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at ng Asian Volleyball Confederation (AVC) sa pangunguna ni Ramon “Tats” Suzara.

Noong 2022 World Championship na ginanap sa Slovenia at Poland, nasa ika-16 na pwesto ang Tunisia, at inaasahang mas determinado silang makapagpakitang-gilas ngayon sa harap ng mga masugid na Pilipinong tagahanga, lalo na’t kasama nila sa Pool A ang No. 23 Egypt, No. 13 Iran, at No. 82 Philippines.

Nasungkit ng Egypt ang kampeonato sa Africa noong 2023, tinapos ang three-peat run ng Tunisia.

Mayo pa lang ay nagsimula nang magsanay ang Tunisia para sa apat na buwang paghahanda patungo sa world volleyball event. Katuwang dito ang mga opisyal na partner ng PNVF gaya ng PLDT, Mwell, Meralco, Rebisco, Akari, Nuvali; opisyal na supplier na Asics at Senoh; opisyal na bola na Mikasa; opisyal na TV partner na Cignal, pati na rin ang suporta mula sa Honda, BMW, PSC, at POC.

Magsisilbing unang balakid ng Alas Pilipinas ang Tunisia sa Setyembre 12, 7:30 p.m. sa Mall of Asia Arena, kasunod ng engrandeng opening ceremony na pangungunahan ng K-pop group na BOYNEXTDOOR.

Maaaring makabili ng tickets sa opisyal na website: https://www.philippineswch2025.com. (FIVB Commnications)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …