I-FLEX
ni Jun Nardo
PATI ba naman si Roderick Paulate, isinasangkot sa isyu kay Vice Ganda?
Yes, may kumalat sa social media na hindi umano pabor si Dick sa mga joke ni Vice. Eh naman gawaing manira ni Dick ng kapwa komedyante, huh!
Agad namang pinabulaanan ng management ni Roderick ang post na ito dahil wala sa image ng artist nila ang manira.
Wholesome ang image hindi lang sa pelikula kungdi sa tunay na buhay at mapapanood ‘yon sa comeback movie niyang Mudrasta (Ang Beking Ina) na mapapanood sa Miyerkoles, Agosto 20.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com