Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pilipinas Senior Golf Tour Organization PSPGTO
Ang mga officers ng Pilipinas Senior Pro Golf Tour Organization (PSPGTO) mula sa (kaliwa) Orlan Sumcad-Secretary, Mario Manubay-Chairman/BOD, Darren Evangelista-Commissioner, Wendy Superal-Treasurer Marciano Pucay-President sa kanilang pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) 'Usapang Sports " nitong Huwebes sa PSC Conference Room. ng PSC sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynia. (HENRY TALAN VARGAS)

Pilipinas Senior Golf Tour Organization (PSPGTO) binuo

Muling mabibigyan ng pagkakataon na magpamalas ng kahusayan ang mga seniors professional golfer sa pamamagitan ng Pilipinas Senior Golf Tour Organization (PSPGTO) sa pamumuno ng multi-title Mars Pucay. 

Ayon kay Pucay, binuo nila ang organisasyon upang mabigyan ng tamang venue ang mga seniors golfer na manatiling kompetitibo at maitaas ang antas ng kaalaman at kalidad ng mga batang players na naghahangad na matuto at humusay sa sports. 

“Hindi na masyadong nabibigyan ng pansin ang Seniors sa mga regular Tour. And also, mahirap ng manalo ang ating mga Seniors kumpara sa mga batang players, kaya napagisipan namin na magkaroon ng sariling programa para sa Seniors,” pahayag ni Pucay sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports ” nitong Huwebes sa PSC Conference Room. 

Kasama ni Pucay na dumalo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat ang mga dati ring kampeon at PSPGTO officials ba sina Mario Manubay (Chairman), Orland Sumcad (Secretary), Wendy Superal (Treasurer), Robert Pactolerin (Tournament Chairman) at Darren Evangelista (Commissioner). 

Sinabi ni Manubay na bilang panimulang programa, isasagawa ng asosasyon, sa tulong ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang araw na Pro- Am tournament sa Setyembre 21 sa Intramuros Golf Club. 

“Open po ito sa lahat ng seniors players kahit hindi pa namin member. Layunin namin talaga na mag-organize ang grupo para yung mga legit na players ang maging teaching pro sa ating Golf courses. Kapag mali ang turo sa simula mali ang resulta sa players,” Ayon kay Manubay. 

Batay sa format, hahatiin sa apat na classification ang torneo – 50 up, 55-up,60-up, 65-up at ladies — gamit and Stableford scoring format. 

“May kabuuang P150, 000 ang premyo natin para sa mga winners na seniors, habang yung mga amateur partners nila mga mga regalo ring makukuha, ” sambit ni Evangelista.

“Simula pa lng ito. Sa October launching na ng Tour may night Golf competition na tayo. Nagpapasalamat kami sa nga sponsors, at sa mga gusto pang tumulong bukas po kami sa collaboration and partnership, ” dagdag ni Evangelista, dating collegiate basketball players at champion swimming coach. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …