Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara
KASAMA ni William Vincent “Vinny” Araneta Marcos (gitna), co-chairman ng Local Organizing Committee, sina Philippine Sports Commission chairman Patrick Gregorio (kaliwa) at Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara (kanan). An`g larawan ay mula sa PNVF. (HENRY VARGAS)

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng Filipinas ng FIVB 2025 Men’s World Championship kalahok ang 32 bansa — mula sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Local Organizing Committee (LOC), hanggang sa mga pangunahing stakeholder mula sa pamahalaan na pinangungunahan ng Malacañang at Philippine Sports Commission (PSC).

“Lahat ay nasa tamang direksiyon pagdating sa kahandaan,” ani PNVF president Ramon “Tats” Suzara sa kaniyang talumpati sa Final Technical Working Group Inter-Agency Meeting nitong Lunes ng umaga sa Century Park Hotel.

“Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor para sa kanilang mahalagang kontribusyon at oras upang maging ligtas, maginhawa, at kapana-panabik ang ating pagho-host ng torneo,” dagdag ni Suzara, na presidente rin ng Asian Volleyball Confederation at executive vice president ng FIVB.

Dumalo rin sa naturang pulong si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos—co-chair ng LOC kasama sina Senador Alan Peter Cayetano at Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco. Ginanap ang pulong eksaktong isang buwan bago ang pagsisimula ng world championship sa 12-28 Setyembre sa Smart Araneta Coliseum at SM Mall of Asia Arena.

“Mas magiging abala ang mga darating na linggo habang nagtutulungan ang lahat ng ahensiya,” ani Suzara. “Nagpapasalamat kami kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Unang Ginang Liza at sa kanilang anak na si Vinny, na bahagi ng LOC, gayondin sa FIVB para sa kanilang suporta.”

Ipinahayag ni PSC chairman Patrick Gregorio, na pinamumunuan ang government task force para sa torneo, ang kanyang kompiyansa sa hosting efforts sa harap ng halos 100 opisyal at kinatawan mula sa gobyerno, pribado at sports sector na dumalo sa pulong.

“Buong kompiyansa ako na kayang-kaya ni [PNVF] president Tats Suzara na maisakatuparan ito. Alam niya kung paano ito gawin,” ani Gregorio. “Tinitiyak naming lahat ay may koordinasyon—at oo, ganoon nga.”

Kabilang sa mga miyembro ng LOC sina Senadora Pia Cayetano, Manuel V. Pangilinan, at POC president Abraham “Bambol” Tolentino.

Dumalo rin sa pulong ang mga kinatawan mula sa Philippine Olympic Committee (POC), Philippine National Police, Bureau of Immigration, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Philippine Charity Sweepstakes Office, Metro Manila Development Authority, at mga Kagawaran ng Edukasyon, Turismo, Badyet at Pamamahala, at iba pa.

Ngayong araw, 12 Agosto, ay magkakaroon ng Light Rail Transit Authority Ride kasama ang mga miyembro ng Alas Pilipinas Women mula Recto hanggang Santolan Station ng LRT Line 2. Bukas Miyerkoles (13 Agosto), gaganapin ang “Set Na ‘To! An Electrifying Launch” sa SM MOA Music Hall mula 4:00 p.m. pataas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …