Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang lugar ng kompetisyon sa Manila Marriott Hotel at ang mga kaugnay na lugar sa Newport World Resorts na magsisilbing grandiosong entablado ng 3rd Artistic Gymnastics Junior World Championships ngayong darating na Nobyembre.

Kilalang FIG sa tawag nitong French acronym, darating sa Maynila sina Andrew Tombs, Pangulo ng FIG Men’s Artistic Gymnastics Technical Committee; Donatella Sacchi, Pangulo ng Women’s Artistic Gymnastics Technical Committee; Stephane Detraz, MAG Senior Events Manager; at Celine Cachemaille, WAG Senior Events Manager.

“Malugod naming tinatanggap ang mga pangunahing technical officials mula sa FIG para tiyakin na ang lugar at iba pang kaugnay na aspekto ay sumusunod sa mahigpit na pamantayan para sa 3rd Artistic Gymnastics Junior World Championships,” ayon kay Cynthia Carrion, Pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines.

“Wala kaming pinalampas na detalye upang maseguro na ang mga kalahok sa pandaigdigang junior gymnastics event na ito ay hindi lamang mag-e-enjoy sa isang world-class na kompetisyon kundi pati na rin sa isang ligtas, maayos at magiliw na kapaligiran,” dagdag ni Carrion, na siya rin ang Executive Director ng Local Organizing Committee (LOC).

Sa unang araw ng kanilang opisyal na pagbisita, ayon kay Carrion, susuriin ng FIG technical group ang Manila Marriott Grand Ballroom, na siyang magiging venue ng kompetisyon at dating pinagganapan ng 2015 Asia Taekwondo Olympic Qualifying Tournament, pati na rin ang mga katabing lugar para sa warm-up at training.

Matapos ang ocular inspection, magkakaroon ng pulong ang FIG officials at mga miyembro ng LOC upang pag-usapan ang layout ng kompetisyon, puwesto at lokasyon ng superior jury judges, mga kagamitan o apparatus, sports presentation, seremonya ng paggagawad, mixed zone, at ang pasukan at labasan ng mga kalahok.

Ayon kay Carrion, dadalo rin ang lahat ng opisyal ng FIG sa press launch ng 3rd Artistic Gymnastics Junior World Championships sa Huwebes, 12:00 ng tanghali, sa Newport World Resorts Performing Arts Theater sa ikatlong palapag ng Newport Mall, na malapit sa Manila Marriott Hotel.

Kabilang sa mga inaasahang dadalo ay sina Kevin Tan, CEO ng Alliance Global Group na siyang nagpapatakbo ng Newport World Resorts; William Vincent “Vinny” Marcos, Pangulo ng LOC, at anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; at Patrick Gregorio, Tagapangulo ng Philippine Sports Commission (PSC), ayon sa GAP president.

Tatapusin ng FIG technical group ang kanilang inspection tour sa Biyernes sa pamamagitan ng pagbisita sa pitong opisyal na hotel para sa kompetisyon, ito ang: Manila Marriott Hotel, Hotel Okura, Sheraton, Hotel Belmont Manila, Savoy Hotel, Holiday Inn Express, at Hilton Manila.

“Inaasahan naming tatalakayin nang masinsinan kasama ang FIG technical group ang tungkol sa transportasyon, accreditation, at iba pang teknolohikal na pangangailangan kabilang ang computerized scoring system sa huling araw ng kanilang pagbisita,” ani Carrion.

Ibinahagi niya ang masiglang tugon ng mga miyembrong bansa ng FIG sa gaganaping torneo sa 20-25 Nobyembre 2025, tampok ang susunod na henerasyon ng mga bituin sa artistic gymnastics. Umaasa silang malalampasan ng 283 atleta mula sa 64 bansa ang mga lumahok sa ikalawang edisyon na ginanap sa Antalya, Turkey dalawang taon na ang nakalilipas. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …