Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella.

Makalipas ang walong taon, muling magbabalik sa big screen sina Bela Padilla at JC Santos para sa sequel na 100 Awit Para Kay Stella na  mapapanood  na sa mga sinehan simula September 10, 2025.

Sa istorya, si Stella ay isang matagumpay na event organizer, habang si Fidel ay patuloy na lumalaban sa kanyang pagka-utal. Sa isang event, kinanta ng rising star na si Clyde ang isang awit tungkol sa “babaeng may itim na lipstick.” Nadiskubre ni Stella na si Fidel pala ang sumulat ng kanta—at maging ng iba pa—bilang ghostwriter ni Clyde.

Sa muling pagtatagpo, masasariwa ang kanilang nakaraan at mahaharap nila ang mga damdaming akala nilang nalimot na. Pero ngayong mas matanda na sila, magiging matapang na kaya silang ipaglaban ang isa’t isa?

Sa katatapos na media conference ng 100 Awit Para Kay Stella ay pinahayag nina Bela at JC ang kanilang nararamdaman sa pagbabalik ng kanilang istorya bilang sina Stella at Fidel

Honestly, hindi ko ini- expect na madurugtungan pa ang love story nina Stella at Fidel. Dahil real-life story nga ito ni direk Paul at hindi na nga sila nagkita ni Stella kaya I don’t think na magkakaroon ng sequel,” pahayag ni Bela.

Alam mo mas emosyonal  at mas mabigat pa ang. love story nina Fidel at Stella rito kaysa noong  una,”  kwento ni JC.

Tinanong naman namin si Kyle Echarri kung pressured ba sa kanya na maging part ng istorya nina Stella at Fidel? Marami ba ang magagalit sa kanya sa karakter niya rito?

Siyempre pressure lalo pa at ka-love triangle nila akong dalawa. Siguradong maraming maiinis sa character ni Clyde sa pelikulang ito,” natatawang sambit ni Kyle. (Allan Sancon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …