Thursday , June 4 2026
Kim Molina Jerald Napoles RC Delos Reyes

Kim at Jerald huling pelikula Wonderful Nightmare bago ang  kasal sa Marso

ni Allan Sancon

MULING magsasama sina  Kim Molina at Jerald  Napoles sa Filipino adaptation ng Korean hit na Wonderful Nightmare na idinirehe ni RC Delos Reyes.

Gagampanan ni Kim ang papel ni Atty. Ma. Luisa “Lui” Manuel, isang malamig at matagumpay na abogado na biglang masasadlak sa isang kakaibang sitwasyon matapos maaksidente. Mula sa marangyang buhay, mapipilitan siyang mamuhay bilang isang simpleng maybahay sa loob ng isang buwan.

Sa kanyang bagong buhay, siya ay asawa ni Julian (Jerald), isang ordinaryong empleado, at ina ng dalawang anak—si Jaja (Althea Ruedas), isang teenager na may pagka-rebelde, at ang bunsong si Justin (Archilles Wenceslao).

 Kasama rin sa pelikula sina Al Tantay, Candy Pangilinan,  Krissha Viaje, Jaycee Parker,  Yumi Lacsamana, Quinn Carillo, at Divine Aucina.

Sa katatapos na media conference ng nasabing pelikula ay kinompirma rin nina Kim at Jerald ang kanilang kasal sa Marso 2026. Gaganapin ito sa Pilipinas, sa isang kalapit na probinsya at hindi sa Manila, at lalong inaabangan ang gown ni Kim na ididisenyo ng fashion designer na si Mak Tumang.

Ipalalabas na ang Wonderful Nightmare sa February 25 in Cinemas nationwide under Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …