Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri
INIHAYAG ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio Inc. (kaliwa) kasama ang managing director na si Andrew Neri na merong 19,000 runners na kalahok sa ikalawang isasagawang Manila Marathon sa darating na Linggo sa SM Mall of Asia Complex, sa Pasay City. (HENRY TALAN VARGAS)

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio Inc., kasama ang managing director na si Andrew Neri na merong 19,000 runners na kalahok sa ikalawang isasagawang Manila Marathon sa darating na Linggo sa SM Mall of Asia Complex, sa Pasay City.

Kanila itong inihayag sa lingguhang Philippine Sportswrters Association (PSA) forum nitong Martes na inihandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ang 24/7 sports app ng bansa na ArenaPlus,na ginanap sa Philippine Sports Commission (PSC) conference hall sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. 

Ang international na karera ay inihahandog ng Samsung Galaxy ay binubuo ng apat na kategorya: 42km, 21km, 10km, at 5km, at may kabuuang ₱700,000 na premyong salapi, kabilang na ang ₱100,000 bawat isa para sa lalaki at babaeng kampeon sa pangunahing 42km na takbuhan.

Ang karera ay opisyal na pinahintulutan ng Philippine Athletics Track and Field Association at kinikilala bilang bahagi ng World Athletics’ rankings competition. Tampok dito ang mga miyembro ng national team gaya nina Christine Hallasgo, Artjoy Torregosa, Richard Salano, at Arlan Arbois, pati na rin ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Japan, US, Singapore, UK, Canada, Malaysia, China, South Korea, Kenya, France, Poland, at Switzerland.

 Dahil ito ay qualifying event ng national team para sa Southeast Asian (SEA) Games,” ayon kay Dela Cruz, “Kaya karamihan sa kanila ay tatakbo para makita ang performance nila. At kung maabot nila ang standard ng SEA Games, maaari silang mapili.”

Gaganapin ang SEA Games sa Disyembre 9-20 sa Thailand.

Ang ruta ng karera ay daraan sa apat na lungsod: Maynila, Makati, Parañaque, at Pasay.

Ang gun start ng 42k ay sa ganap na alas-12:00 ng hatinggabi, kasunod ang 21k sa alas-4:00 ng madaling araw, ang 10k sa alas-5:00 ng umaga, at ang 3k sa alas-5:30 ng umaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …