Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan LGU nagkaloob ng 3 trucks sa Police Station

Caloocan LGU nagkaloob ng 3 trucks sa Police Station

BILANG bahagi ng pagtataguyod ng peace ond order, naglaan si Caloocan City Mayor Along Malapitan ng tatlong bagong pick-up trucks para sa Special Weapons and Tactics (SWAT) Team ng Caloocan City Police Station (CCPS).

Bukod dito, plano ng LGU na magbigay ng 30 police vehicles sa pagtatapos ng taon upang palakasin ang kakayahan ng CCPS sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at sa pagtugon sa mga emergency sa iba’t ibang lokalidad ng lungsod.

Nagpahayag ng pasasalamat si CCPS Chief P/Col. Joey Goforth sa administrasyon ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at hinikayat ang mga miyembro ng lokal na puwersa ng pulisya na patuloy na itaguyod ang panuntunan ng batas habang nagpapakita ng pakikiramay at paggalang sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

“Malaking tulong ang bagong sasakyan na ipinagkaloob sa atin ng pamahalaang lungsod lalo na para sa mga anti-criminality operations. Makaaasa po ang lahat na patuloy na gagampanan ng CCPS ang mandato nito na linisin ang krimen mula sa Caloocan at panatilihing ligtas ang ating mga komunidad,” ayon kay Col. Goforth.

Patuloy na nagpatupad ang Caloocan LGU ng iba pang mga hakbangin sa kaligtasan ng publiko, kabilang ang street lighting projects, disaster and emergency response programs, at pagdagdag ng mga tauhan para sa traffic safety operations. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …