Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jun Miguel Talents Academy

Direk Jun thankful nominasyon sa 37th Star Awards TV

MATABIL
ni John Fontanilla

THANKFUL and grateful  ang director/producer na si Jun Miguel dahil sa  nominasyong nakuha ng Talents Academy na napapanood sa IBC na siya ang producer at director.

Nominado ang Talents Academy bilang Best Children Show Program and Host sa 37th PMPC Star Awards for Television na magaganap sa August 24 sa VS Hotel Edsa QC.

Host ng Talents Academy ang mga talented kid na sina Jace Fierre, Jessica Marie Robinson, Shiloh Isaiah Haresco, Yzabelle Luisa Perez, Cara Bartolo, Anika Dominique Figueroa, Candice Ayesha, Madispn Go, at Mikayla Go.

Ayon kay direk Jun, “Sobrang saya at pasasalamat po ang nararamdaman ko ngayon.  

“As a director, malaking karangalan na ma-nominate sa PMPC Star Awards for Television, hindi lang para sa Best Children Show, kundi pati na rin sa Best Children Show Hosts.”

Nagpapasalamat din ito sa Diyos, staff, at sa suporta ng kanyang pamilya at sa mga taong nagtitiwala at sa mga batang kasama sa show at  mga taong nanonood ng Talents Academy.

“Nakakataba ng puso na ma-recognize ang effort namin to create something fun, informative, meaningful and values-driven para sa kabataan. Expect that we will continue to do this with the same passion and heart. Maraming salamat, PMPC, at sa lahat ng sumusuporta.”

Bukod sa programa ay ito rin ang direktor ng advocacy film na Aking Mga Anak na hatid ng DreamGo Productions na magkakaroon ng Red Carpet Premiere sa Aug. 4 sa Cinema 2 ng SM Megamall.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …