SA NAGANAP na General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) kahapon, buong pagmamalaking inilahad ng Padel Pilipinas — sa pamamagitan ng kanilang Executive Director na si Atty. Jackie Gan — ang ulat ng mga nagawa ng organisasyon bilang opisyal na padel association ng bansa.
Itinampok dito ang kanilang pambansang grassroots program para sa pagtuklas ng mga talento, tuloy-tuloy na pagsasanay ng pambansang koponan sa loob at labas ng bansa, pagsasanay at sertipikasyon ng mga coach, at matatag na mga hakbang sa pagbubuo ng komunidad.
Kabilang dito ang pagpapatayo ng mga pampublikong padel courts at ang pagho-host ng mga lokal at internasyonal na torneo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com