Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malabon City
Malabon City

Para sa mga biktima ng sunog at kalamidad
Malabon LGU nagpatupad ng Documentary Relief Assistance bilang ordinansa

NAGLABAS ng bagong ordinansa ang Malabon city government na magbibigay ng libreng pagproseso at pagpapalabas ng documentary relief assistance na ilalaan para sa Malabueños na biktima ng sakuna at kalamidad.

Aprobado ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Council ang Ordinance No. 11-2025 na kilala bilang “Documentary Relief Assistance to Fire and Other Victims of Natural Calamities Ordinance,” na naglalayong mabawasan ang pasakit sa mga biktima na kukuha ng birth, marriage, at death certificates.

“Sa pamamagitan po ng ordinansang ito, nais po natin matulungan ang ating mga mahal na Malabueños na naapektohan ng sunog at iba pang unos. Alam po natin ang bigat na nararanasan nila, kaya naman po ito ay ating ipinatupad para makatulong at mabawasan ang kanilang alalahanin lalo na’t mahalagang magkaroon ng mga dokumento para sa kanilang pagkakakilanlan at iba pang pangangailangan. Naririto lamang po ang pamahalaang lungsod upang umagapay sa inyo,” paliwanag ni Mayor Sandoval.

Nakasaad sa ordinansa na maaaring makalibre sa dokumento sa City Civil Registry Office ang mga biktima sa loob nang isang taon matapos ang insidente.

Sinabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na makatatanggap ng parusa ang mga aabuso sa libreng ordinansa kung gagamitin ito sa panloloko o pang-scam ng mga dokumento at may nakaatang na penalty na P1,000 sa una, ₱2,000 sa second offense at ₱3,000 sa third offense.

“Mayroon pong mga sakuna na hindi natin inaasahan gaya ng sunog. Pero makasisiguro po ang bawat Malabueño na tayo ay nakahandang tumulong, at magbigay ng agarang pagresponde. Makaaasa po ang mga Malabueño na tayo ay palaging nakaalalay sa kanilang mga pangangailangan,” ayon kay Rosete.

Hinihikayat ang mga residente na makipag-ugnayan sa Malabon City government para sa mga katanungan at dapat na malaman bilang Malabueño. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …