Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSC PSTC
SA PANGUNGUNA ni PSC Chairman Patrick "Pato" Gregorio, (nakaupo) kasama sina (mula sa kaliwa) Commissioners Edward Hayco, Walter Torres, Olivia "Bong" Coo, Matthew Gaston, at OIC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr., kanilang pinagtibay at isagawa ang konstruksyon ng PSTC. (PSC PHOTO)

IRR para sa Philippine Sports Training Center Act, inaprubahan ng Lupon ng PSC

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports Training Center (PSTC) Act o Republic Act No. 11214, bilang isang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng kaunlaran at pagpapalaganap ng isports sa buong bansa.

Itinatadhana ng nasabing batas ang pagtatatag ng PSTC bilang isang pangunahing, moderno, at makabagong pasilidad na laan para sa pagsasanay ng mga pambansang atleta. Binibigyang-priyoridad din nito ang pagpapalawak ng access sa mga pasilidad ng isports sa mga rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila.

Sa pamumuno ni PSC Chairman Patrick “Pato” Gregorio, kasama sina Commissioners Edward Hayco, Matthew Gaston, Olivia Coo, at Walter Torres, muling pinagtibay ng Komisyon ang kanilang pangakong ituloy ang konstruksyon at pagpapaunlad ng PSTC — isang proyektong hindi nausad simula noong 2019, matapos maisabatas sa ilalim ng RA 11214.

Ang itatayong pasilidad ay inaasahang magkakaroon ng mga pasilidad na naaayon sa pandaigdigang pamantayan, at magsisilbi para sa parehong Olympic at non-Olympic sports. Kabilang sa mga itatayo ang ligtas at maayos na dormitoryo, mga silid para sa pagpupulong at seminar, mga villa para sa mga bisita, isang bulwagang libangan, aklatan, medical center, at isang silid para sa pagmumuni-muni.

Ang IRR na inaprubahan ng Lupon ay ihahain sa Tanggapan ng National Administrative Register (ONAR) sa University of the Philippines Law Center sa Diliman, Lungsod Quezon.

Itinatakda rin sa PSC na paigtingin ang pakikipag-ugnayan nito sa iba’t ibang sektor upang makapaghatid ng mas malawak na suporta sa mga atleta at kabataang Pilipino sa pamamagitan ng PSTC.

Ang pondo para sa konstruksyon, pagtatatag, pagpapanatili, operasyon, at pamamahala ng nasabing pasilidad ay isasama sa taunang General Appropriations Act (GAA).

Ang Komisyon ay maghahain din ng mga ulat at pagsusuri sa Kongreso, sa pamamagitan ng House Committee on Youth and Sports Development at ng Senate Committee on Sports, upang matiyak ang patuloy na suporta at pagsubaybay sa implementasyon ng proyekto.

Ang makasaysayang implementasyong ito ay patunay ng matibay na paninindigan ng Philippine Sports Commission para sa pangkabuuang pag-unlad ng mga pambansang atleta at mga tagasanay ng bansa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …