Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Patrick Pato Gregorio Bambol Tolentino
NAGKAMAYAN sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick 'Pato' Gregorio (kanan) at Philippine Olympic Committee President Abraham ‘Bambol’ Tolentino at ang kanilang mahahalgang pahayag kasama si PSC OIC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.at photo opp ng lahat na dumalo sa ginanap na NSA General Assembly. (HENRY TALAN VARGAS)

PSC Chairman Gregorio: “Napaligaya namin ang 2000 atleta at coach ngayong araw”

INILAHAD ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio ang kanyang roadmap para sa reporma at direksyong tatahakin ng kanyang administrasyon sa isang General Assembly na ginanap nitong Martes, Hulyo 8, 2025, sa Ninoy Aquino Stadium, sa Malate Maynla. Dumalo rito ang mga atleta, coach, opisyal ng mga National Sports Associations (NSA), Philippine Olympic Committee (POC), Commission on Audit (COA), at ilang mambabatas.

Binigyang-diin ni Gregorio ang mga pangunahing prayoridad ng PSC sa ilalim ng kanyang pamumuno: ang pagpapabuti ng kapakanan ng mga pambansang atleta, propesionalisasyon ng pamamahala ng sports at pasilidad, at ang pagpapalakas ng sports tourism sa pakikipagtulungan sa Department of Tourism.

Inanunsyo rin ng pinuno ng ahensya ang across-the-board na P5,000 pagtaas sa buwanang allowance ng mga pambansang atleta at coach na magsisimula sa Agosto.

Bago ito, ang mga atletang nasa Platinum classification tulad ng Olympic medalists at World Champions ang nakatanggap ng pinakamataas na allowance na P50,000 kada buwan. Samantala, ang mga nasa Training Pool B ay tumatanggap lamang ng P10,200 — ang pinakamababa sa ilalim ng kasalukuyang sistema.

“Marami sa ating mga atleta ay tumatanggap lamang ng nasa P10,000 kada buwan. Mas mababa pa po ‘yan sa minimum wage,” pahayag ni Gregorio.

Nangako rin si Gregorio na pasisimplehin at ididigitalisa ang proseso ng pagpapalabas ng stipend upang mapabilis ito sa loob ng limang (5) araw, kumpara sa dating lingguhang proseso, basta’t kumpleto ang mga dokumentong kinakailangan.

Ipinagdiwang din ni Gregorio ang mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng akses sa mga pasilidad pampalakasan sa pamamagitan ng pag-apruba ng PSC Board sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa ilalim ng Republic Act 11214.

Ang batas na ito ay nag-uutos sa pagtatatag ng PSTC at pagbibigay-prayoridad sa pagbubukas ng mga sports facility sa labas ng Metro Manila. Ang implementasyon nito ay naantala mula pa noong 2019. Hinimok ni Gregorio ang kooperasyon ng mga atleta, coach, at mambabatas upang maisakatuparan ang proyektong ito at matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon at maintenance.

Tiniyak din ni Gregorio sa mga atleta, coach, at NSA officials ang 24/7 suporta mula sa NSA Affairs Office.

“Hindi magsasara ang PSC sa mga atletang nangangailangan,” wika ni Gregorio.

Dagdag pa rito, inanunsyo niyang magkakaroon ng bagong training uniforms at sapat na food assistance para sa mga atleta, gamit ang kanyang malawak na karanasan sa industriya ng turismo at hospitality upang tiyakin ang dekalidad na suporta para sa kapakanan ng mga atleta.

Para kay Gregorio, makakamit ang mga layuning ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga miyembro ng PSC, Philippine Olympic Committee, mga lokal at pambansang pamahalaan, mga organisasyong pang-eskwelahan, at pribadong sektor.

“Dapat ay parang isang tugtugin na sabay-sabay sa iisang himig,” ayon kay Philippine Olympic Committee President Abraham ‘Bambol’ Tolentino, bilang tugon sa panawagan ni Gregorio para sa mas pinalakas na kooperasyon.

Nangako si Gregorio na palalakasin ang bawat aspeto ng pamamahala — panloob at panlabas — sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga pangmatagalang programa, inobasyon sa resource generation, paggamit ng teknolohiya sa operasyon, at muling pagbuhay ng mga tactical sports formations upang masigurado ang tagumpay mula grassroots hanggang elite-level sports.

“Umasa akong aalis kayong nakangiti, mga atleta at coach. Aayusin natin ang inyong performance at ang inyong kabuhayan,” pagtatapos ni Gregorio. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …