Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marikina

Sa Marikina  
Hi-tech public schools target ni Cong. Marcy

PLANO niMarikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro na magkaroon ng high technology na kagamitan ang lahat ng pampublikong paaralan upang masigurong nakasasabay sa digital world ang kabataang Marikenyo.

Layunin ni Cong. Teodoro na gawing mas moderno, mas accessible, at mas inklusibo ang edukasyon para sa lahat na una na niyang nagagawa noong alkalde pa siya at sisiguraduhing maitutuloy ang lahat ng kanyang magagandang plano para sa edukasyon ng kabataan.

“Ang teknolohiya ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay. Kung hindi tayo kikilos ngayon, baka maiwanan ang mga estudyante, hindi dahil sa kakulangan ng talino kundi dahil sa kakulangan sa kagamitan,” ayon kay Teodoro.

Matatandaang noong 2 Hulyo ay inihain ni Teodoro ang House Bill No. 1255 na naglalayong magtatag ng Public Schools of the Future in Technology (PSOFT) para tugunan ang kakulangan sa access sa digital tools tulad ng laptop, internet, at smart classrooms.

Sa ilalim ng panukala, bawat estudyante sa PSOFT schools ay bibigyan ng sariling laptop, magkakaroon ng internet access, at matututo sa mga digitally equipped classrooms gamit ang mga interactive boards at online learning platforms.

Layunin ng panukala na mapantayan ng mga batang Filipino ang antas ng edukasyon sa mga mas maunlad na bansa.

Sinabi ni Cong. Teodoro na mas magiging interesado at inter-aktibo ang pag-aaral ng mga bata kapag mayroon silang digital learning tools tulad ng e-textbooks at video lessons na tiyak na gaganahan sa pagpasok sa paaralan. (VA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …