Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Medicine Gamot

Mga gamot, wala nang VAT — Rep. Tiangco

ISINUSULONG ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapalawak ng value added tax (VAT) exemptions sa mga essential medicines, bilang patunay na ang mga patakarang buwis sa ilalim ng administrasyong Ferdinand Marcos, Jr., ay tunay na nagbibigay ng makabuluhang benepisyo sa mga Filipino.

Ito ay kasunod ng anunisyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may karagdagang 19 gamot na isinama sa listahan ng mga VAT-exempt, kabilang ang mga gamot para sa kanser, diabetes, at iba pang seryosong karamdaman.

“Lagi pong sinasabi ng ating Pangulo na walang maiiwan sa Bagong Pilipinas, and this VAT exemption is proof that the government is taking steps to ensure that all Filipinos have equal access to life-saving medication,” ayon kay Cong. Tiangco.

Kabilang sa mga VAT-exempt medicines ay ang mga gamot sa cancer na Bortezomib 3.5 mg, Docetaxel 20 mg/mL (80 mg/4mL), Lenvatinib 10 mg, 4 mg,  Lenalidomide 7.5 mg, 20 mg,  Paclitaxel (various IV formulations), Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium (20/5.8/19.6 mg and 25/7.25/24.5 mg).

Mga gamot sa diabetes na tulad ng Saxagliptin + Dapagliflozin 5 mg/10 mg,  Metformin + Teneligliptin (500 mg/20 mg and 1 g/20 mg).

Para sa cholesterol na Atorvastatin + Fenofibrate 20 mg/160 mg, gamot sa hypertension na Losartan + Rosuvastatin + Amlodipine (various strengths) at Metoprolol + Ivabradine (25 mg/5 mg and 50 mg/5 mg).

Sa kidney disease na Peritoneal dialysis solution with 2.5% dextrose, sa tuberculosis Rifampicin + Isoniazid + Pyrazinamide 75/50/150 mg (dispersible tablet) at para sa mental health na Lamotrigine (5 mg, 25 mg dispersible and tablet forms).

Kaya hinihikayat ni Cong.  Tiangco ang lahat na maaaring isumbong ang mga botika na hindi  sumusunod sa itinatalagang VAT exemption. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …