Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malabon City
Malabon City

Malabon ligtas sa baha – Mayor Sandoval

TINIYAK na ligtas ni Mayor Jeannie Sandoval ang mga Malabueños laban sa pagbaha at high tide dahil sa patuloy na pag-monitor at pagsasaayos ng Malabon-Navotas River Navigational Gate.

Tiniyak ng mga tauhan ng City Engineering Department (CED) na nakatutok sila sa 40 pumping stations at mahigit 120 floodgates sa paligid ng siyudad para masigurong gumagana at namamantina ang paglilinis nito upang maging maayos ang daloy ng tubig.

“Una pa rin po para sa atin ang kaligtasan ng ating mga kababayang Malabueño ngayong patuloy pa rin ang pagsasaayos ng navigational gate na nasa pamamahala ng MMDA. Palagi pong nakahanda ang pamahalaang lungsod na magresponde, at magsagawa ng mga operasyon at programa kung sakaling magkaroon ng pagbabaha sa ating lungsod lalo tuwing umuulan o high tide. Alam po natin ang epekto ng baha sa ating buhay sa araw-araw, kaya’t patuloy po tayo sa pagsiguro ng kaligtasan at sa pagbuo ng mga proyekto para sa mas magandang bukas sa ating lungsod,”  ayon kay Mayor Jeannie.

Paliwanag ng CED – Flood Control Division na naisagawa na nila ang pagsasaayos ng mga navigational gate na nasa pangangalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na doon nakita ang ilang structural defects na naging sanhi ng pagbaha.

Una nang nagpaalala ang Malabon LGU na nagkakaroon ng weekly high tide schedule para maging handa ang mga residente sa pagtaas ng tubig habang isinasaayos ang gate repair kasabay ng pagsasagawa ng clean-up drives at declogging operations sa mga waterways.

Patuloy na paalala ni City Administrator Dr. Alexander Rosete, agad ipaalam sa Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa pamamagitan ng Command and Communication Center, kung may pagbaha sa paligid upang agad maaksiyonan.

“Kung sakali man hong magkaroon ng pagtaas ng tubig sa inyong mga lugar at mangailangan po ng tulong, huwag pong mahihiyang makipag-ugnayan sa ating pamahalaan para sa kasiguruhan ng inyong kaligtasan,” paliwanag ni Rosete.

Samantala, nakahanda ang Malabon emergency team para sa mabilis na pagtulong sa mga residenteng maaapektohan ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …