Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

Bebot bibisita sa preso, kulong sa droga

DADALAW sana sa piitan pero hindi na nakalabas dahil sa pagdadala ng ilegal na droga ang isang babae matapos makuhaan ng aabot sa halagang P310,000 shabu at marijuana sa isinagawang body search ng tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa  Caloocan City Jail, kamakalawa ng hapon.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Police Brigadier General Arnold Abad, Acting District Director ng Northern Police District (NPD), agad inaresto ang isang alyas Ana na dadalaw sa kanyang nobyong nakakulong sa Caloocan City Jail sa Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan, dakong 5:00 pm nitong Linggo ngunit naghinala ang mga tauhan ng BJMP sa kanyang kahina-hinalang kilos.

Nang i-body search ang babae ay nakita sa kanyang katawan ang mahigit 45 gramo ng shabu at 35 gramo ng marijuana na aabot sa Standard Drug Price (SDP) na ₱310,000.

Agad inaresto ang suspek at dinala sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan City Police Station para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 na ihahain sa City Prosecutors’ Office.

Samantala, pinarangalan ni DD Abad ang mga tauhan ng BJMP at Caloocan City Police sa maagap na paghuli sa suspek. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …