Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alan Peter Cayetano Volleyball FIBV

Sports susi sa nation-building — Cayetano

SPORTS ang pinakamabisang paraan para itanim sa kabataan ang lahat ng values na gusto nating makita sa ating bansa.

Ito ang mensahe ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Sabado, June 28, nang makiisa siya sa Spike for a Cause,  isang fundraising dinner at fashion show para suportahan ang Alas Pilipinas at ang nalalapit na pagho-host ng Pilipinas sa FIVB Men’s World Championship 2025.

“Tonight is not only about giving thanks. It’s also about nation-building,” pahayag ng senador.

“Every single value that we want for our nation is found in sports – teamwork, discipline, sacrifice,” dagdag niya.

Bilang co-chairperson ng local organizing committee para sa world championship, sinabi ni Cayetano na mahalaga ang values na ito hindi lang sa mga atleta kundi sa mga pamilya, paaralan, komunidad, at sa buong bansa.

“From the youngest age, we teach our children na dapat sa pamilya, sa business, may teamwork. Sa sports, it’s a given,” aniya.

“When we talk about anti-drugs, one of the best ways to fight drugs is to let our young people go into sports,” dagdag pa niya.

Pinuri rin ni Cayetano ang pagsisikap ng kanyang mga kapwa organizer, kabilang si LOC Co-Chair Vincent Marcos, at binigyang-diin ang kakayahan ng Pilipinas na makipagsabayan sa pandaigdigang entablado.

“May it be the SEA Games, the world championship ng basketball, and then now world championship of volleyball – we will showcase the best of the Filipino,” sabi ng senador.

Sa panayam sa media bago ang event, nagpasalamat si Cayetano sa mga sumuporta sa hosting bid ng bansa mula umpisa.

“Conception pa lang, going pa lang to the volleyball headquarters sa Switzerland, everyone involved who is here today plus additional sponsors, were there not only to cheer on to say we can do it,” aniya.

Nang tanungin kung bakit naisipan ng local organizing committee na fashion show ang gawin para sa fundraising, sinabi ni Cayetano na “fit” o bagay ito sa pinaka-layunin ng sports.

“It’s all about nation-building,” aniya. “When you put sports, business people, people in media, and fashion icons together, it fits.”

Nanawagan din si Cayetano sa publiko na ipagdasal ang tagumpay ng nalalapit na torneo at ang ligtas na partisipasyo ng lahat ng bansa, lalo na sa gitna ng mga kaguluhan sa Middle East.

“Prayers move mountains. So please pray for the organizing committee, and for all the teams,” panawagan niya niya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas ng prestihiyosong FIVB Men’s World Championship, kung saan inaasahang lalahok ang 32 national teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa harap ng lokal at internasyonal na manonood. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …