Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zamora Basaan Wattah Wattah

San Juan’s Wattah Wattah Festival handang-handa para sa 24 Hunyo

HANDANG-HANDA na ang San Juan City government sa pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival, kasabay ng kapistahan ng San Juan Bautista na mahigpit na babantayan ang mga kalye at tanging sa itinalagang “Basaan Area” lamang magaganap ang buhusan upang walang madamay sa mga ayaw mabasa sa gaganaping piyesta.

Gagawing organisado at kontrolado ang “Basaan Area” mula Guevarra St., daraan sa Pinaglabanan St., hanggang N. Domingo St., lamang at magaganap ang basaan mula 7:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, may nakaabang na multang P5,000 at makukulong ng 10 araw sa mga pasaway na San Juaneño na irereklamong lumabag sa Wattah Wattah Festival 2025 Ordinance No. 14.

Kasabay nito ang pagbabantay ng mahigit 300 pulis ng San Juan City para mas maipatupad ang ordinansa, katuwang ang mga barangay officials at tanod na huhuli sa mga pasaway at hindi sumusunod sa batas na tulad ng nag-viral na si Boy Dila na garapalang nambasa ng motorista.

“Sa totoo lang gusto ko siguraduhin pagkatapos ng nangyari last year, gusto ko pong siguraduhin na ang kapistahan natin ngayon ay magiging tahimik, payapa at maayos. Ayoko na po maulit ‘yung nangyari noong nakaraang taon. Nakita naman po natin ‘yung nangyari last year ito po ay nagsilbing hudyat ng pagbabago na ating isasagawa ngayon.

“Kung gusto n’yong makipagdiwang sa ating kapistahan papasok po kayo sa basaan zone. Ibig sabihin ginusto ninyong makipagbasaan. Sa lahat po ng mga daraan ng San Juan, kung kayo po ay daraan upang pumasok sa eskuwela o trabaho ay ‘wag ho kayo mag-alala hindi ho kayo mababasa basta kayo po ay nasa labas ng basaan zone,” paliwanag ng alkalde.

Samantala, aprobado na ng Malacañang na legal holiday ang June 24 bilang araw ng San Juan. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …