Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tanso Copper Cable Wire

Sa Caloocan City
5 kelot, 1 menor de edad huli sa P.2-M ninakaw na kable

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang limang lalaki, kabilang ang isang menor de edad sa pagnanakaw ng kable ng PLDT na naibebenta ang tanso (copper) matapos isumbong ng isang nakasaksi habang nagsasagawa ng patrol ang pulisya, kamakalawa ng madaling araw sa Barangay 71, Caloocan City.

Sa report mula sa tanggapan ni P/BGen. Josefino D. Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD), kinilala ang mga suspek sa mga edad na 35-anyos at 36-anyos, kapwa construction worker; 33-anyos Lalamove driver at  isang 32-anyos kapwa Lalamove driver; at 50-anyos vendor.

Nahuli rin ang isang 16-anyos menor de edad, pawang mga residente sa Caloocan City, Maynila, at Quezon City.

Ayon kay P/Col. Paul Jady D. Doles, hepe ng Caloocan City Police, nagsasagawa ng routine patrol ang mga tauhan bandang 4:30 ng madaling araw sa Rizal Avenue Ext., nang may lumapit sa kanila na isang concerned citizen at isinumbong ang nagaganap na pagnanakaw ng kable ng PLDT.

Agad pinuntahan ang nasabing lokasyon at aktong nakita na ikinakarga sa sasakyan na Isuzu Utility Vehicle Aluminum Van at AC Utility Vehicle ang mga nakuhang kable.

Nakompiska mula sa mga suspek ang  24 piraso ng PLDT Underground Copper Cable 600PRS at 22 piraso ng PLDT Underground Copper Cable 2000PRS.04,  na nagkakahalaga ng halos P198,000, dalawang  volt cutters at lubid.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa Revised Penal Code (Theft) at Republic Act No. 10515 (Anti-Cable Tapping Act of 2013). Dinala ang menor de edad sa Bahay Pag-asa. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …