Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sue Ramirez JM De Guzman

Sue at JM nagkailangan sa lovescene; aktres nag-toothbrush at nag-ahit pa

ni Allan Sancon

DINUMOG ng fans, social media influencers, at ilang members of the media ang SM Megamall Cinema 3 para sa Special Advance Screening ng Lasting Moments na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at JM De Guzman

This is a drama love story nina Pia played by Sue at Aki played by JM. Alamin kung saan hahantong ang pagmamahalan ng dalawa sa kabila ng mga pinagdaanan nila.

For me, this is the best of Sue. Rito ko siya napanood na super heavy drama. 

Nakipagsabayan siya ng galing sa pag-arte kay JM na sobra rin namang galing dito sa pelikulang ito. May mga eksena na hindi masyadong nagsasalita si JM sa movie na ito pero ramdam mo ang kanyang acting bilang si Aki.

Natanong namin si JM kung ano ba ang inspirasyon niya sa mga eksenang dapat siyang mag-internalize?

Kapag umaarte na ako ngayon iniiwasan ko nang humugot sa past experienced ko, kasi kung saan-saan ako napupunta. Kapag ginagamit ko ‘yung past experience ko eh medyo bumabagsak ako. Kaya ngayon ini-internalize at inaaral ko na lang ‘yung mga pinagdaanan ko at ini-emphasize ko na lang talaga ‘yung karakter ko para maramdaman ko ito sa mga eksena. At saka magaling si Sue rito kaya talagang madadala ka sa kanya,” kwento ni JM.

Natanong din namin si Sue kung kamusta ‘yung lovescene nila ni JM sa pelikula, hindi ba siya nailang kay JM?

Akalain mo ‘yun, dating magkapatid lang ang mga eksena namin sa mga past projects namin, ngayon ay mag-jowa na kami. Hindi naman po kami nailang sa isa’t isa kasi pinag-uusapan namin ang mga eksena. Lalo na ‘yung mga intimate scene namin. Of course we need to prepare physically para ‘di naman nakakahiya sa kanya. Need mag-toothbrush at mag-ahit ng buhok sa kili-kili,” kwento ni Sue.

Maganda ang pagkakasulat at pagkakadirehe ni Fifth Solomon sa pelikulang ito. Talagang madadala ka sa mga elsena ng dalawang karakter lalo sa mga dramatic at confrontation scenes. Maganda rin ang cinematography ng movie dahil bukod sa Pilipinas ay kinunan din ang pelikula sa Singapore. 

Talagang pakaaabangan ang pelikulang ito dahil tiyak makare-relate ang buong pamilya lalo na ang mga mag-jowa or mag-asawa.

Palabas na sa July 30, 2025 ang Lasting Moments in Cinemas Nationwide. Panoorin!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …